Manager ng Cornerstone Entertainment, nilinaw ang isyu hinggil sa viral photo nina Sam Milby at Catriona Gray

Image capture mula sa YouTube at Instagram accounts nina Catriona at Sam

Hindi pa man nagtatagal mula nang magtungo sa New York, agad na naging viral ang mga larawan kung saan nakitang magkasama sa iisang lugar ang aktor na si Sam Milby at si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Maraming katanungan ang nagsulputan sa social media kung ano ang ugnayan nila sa isa’t isa at kung bakit sila magkasama, gayong batid ng lahat na boyfriend ni Catriona ang celebrity na si Clint Bondad.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Clint Bondad

Kaugnay dito nagbigay ng opisyal na pahayag ang pangulo at manager ng Cornerstone Entertainment Incorporated na si Erickson Raymundo upang linawin ang “malisyosong usapin” hinggil sa kanyang talent na si Sam Milby at  Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Makikita sa tinutukoy na larawang binigyang–kulay ng ilang mga netizens, na magkasama sina Catriona (na may suot na face mask), ang kanyang amang si Ian Gray, at ang aktor na si Sam.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Sam Milby

Nilinaw ni Erickson na “coincidental” lamang ang pagkikita ng dalawa. Ang mga naturang larawan ay kuha mula sa kanyang bukirin sa Tanay, Rizal. Aniya, inimbitahan niya si Catriona at ang pamilya nito, gayundin si Sam,  na nasa ilalim ng pangangalaga ng Cornerstone.

“During a very brief break from her stay here in Manila, I invited Ms. Catriona Gray and her family to visit our farm in Tanay as I have promised them even before the Miss Universe Pageant. I also invited one of my talents, Sam Milby, on the same day since it happened to fall on his free day from shooting so he can see personally the gift I gave him from the farm early on as a Christmas gift. I also invited other friends.”

Ipinagdiinan ni Erickson na huwag lagyan ng malisyosong kahulugan ang mga naturang larawan dahil church mate din ang  dalawa at magkasama sa bible study group.

Ayon pa rin kay Erickson, ito rin ang kanyang “treat” sa beauty queen bago lumipad sa  New York. Tinulungan umano ng Cornerstone ang music career ni Catriona, lalo na sa pag–release at pag–promote ng kauna–unahan nitong awitin at album na  “We’re In This Together,” noong Disyembre 2018.

Si Catriona Gray ay tumulak na sa New York, USA noong gabi ng Enero 2, 2019 upang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe.

Si Sam Milby ay regular na mapapanood bilang ‘Ace’ sa hit teleseryeng “Halik” mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa “Primetime Bida” ng ABS–CBN Kapamilya Network.

Source 1 Source 2 Source 3