Mahigit P40-bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Bay, aprubado ni Duterte  

Imahe mula sa PCOO Facebook account/oceanleadership.org

Change is coming na sa Manila Bay!

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P47-bilyong inisyal na pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon sa Twitter post ng DZRH, sinabi nitong  aabot sa pitong taon ang gagawing rehabilitasyon. Tinataya namang aabot sa P47 billion ang gagastusin ng pamahalaan para sa ‘pagbuhay’ ng Manila Bay.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang nagrekomenda kay Duterte upang isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Salvador Panelo na  ang pondong paghuhugutan ng rehabilitasyon ay magmumula sa road users’ tax.

Ang P47-billion allocation ay isasailalim pa sa annual programming ng pondo ng gobyerno, ani Diokno.

Imahe mula sa Ferdinand Ipanag Facebook account

Ang Manila Bay ay dinarayo dahil sa pagkakaroon ng pinakamagandang sunset sa buong mundo, ngunit ang tubig nito ay mapanganib dahil sa mga domestic sewage, toxic industrial effluents mula sa mga pabrika at operasyon ng mga barko. Kapag may malalakas na bagyo ay madalas ding napupuno ng basura ang Manila Bay.

Matatandaang sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang top tourist destination sa Pilipinas – ang Boracay – noong 2018 na pinangunahan din ng DENR.

Ito’y dahil sa masyadong mataas ang coliform level nito. Halos kabubukas lamang ng isla ngunit mas mahigpit na ang pagpapatupad sa mga environmental rules. Kontrolado na ang mga beach activities at dami ng mga turistang maaaring bumisita.

Imahe mula sa Ferdinand Ipanag Facebook account

Sa panayam kay Cimatu noong 2018, plano umano ng ahensiya na maalis ang polusyon sa Manila Bay upang magamit ito sa water recreation tulad ng swimming at diving.

“We are preparing for an all-out strategy to bring the coliform concentration in Manila Bay to a safe level so that millions of people who reside in the bay region and neighboring areas will enjoy its waters and marine resources without fear of getting sick,” ani Cimatu.

Nanawagan din ang Kalihim sa mga local government units na makiisa sa pagpapanumbalik ng ganda ng Manila Bay.

Source 1   Source 2  Source 3  Source 4