Karla Estrada: “Unang sasakyan ni Daniel Padilla bago magsimula sa showbiz galing kay Robin”

Imahe mula sa Karla Estrada/Robin Padilla Instagram account

Itinuring na parang anak…

Lingid sa kaalaman ng marami na si Robin Padilla ang nagbigay ng unang sasakyan ni Daniel Padilla nang ito’y magsimula sa showbiz.

Ayon sa ulat ng PEP, sinabi ni Karla Estrada, ina ni Daniel, na si Robin ang nagbigay ng unang sasakyan ni Daniel nang ito’y magsimula sa showbiz noong 2010.

Ani Karla: “Si Robin ang unang nagbigay ng sasakyan kay Daniel. Starex na binili ko…”

“Walang check si Robin binigay, sulat-kamay lang. ‘Tapos winithdraw ko yung PHP600,000 para ibili na yung sasakyan ni Daniel kasi sabi ko [kay Robin], ‘Tol, magsisimula na pamangkin mo [sa showbiz].'”

Sa ngayon, hindi maipagkakaila na si Daniel ay isa sa mga most sought-after matinee idols.

Si Robin ay nakababatang kapatid ni Rommel Padilla, ama ni Daniel, at naibahagi na rin ni Robin ang kanilang pag-uusap ni Karla sa Instagram kamakailan.

Ang pagbibigay ng sasakyan ni Robin sa kanyang pamangkin ay manipestasyon ng pagiging mapagbigay niya kina Daniel at kaibigang si Karla.

Imahe mula sa Mariel Padilla Instagram account

Magugunita sa isang panayam noong 2013 na gumawa ng paraan si Robin upang magkita sina Daniel at Rommel sa unang pagkakataon.

Noong 1998, si Rommel ay nahatulan ng maximum penalty na walong taong incarceration sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Para pasayahin ang kapatid isinama ni Robin sina Karla at Daniel sa piitan. Si Daniel ay 3-anyos pa lamang noon.

Ang reunion na ito’y naging daan upang mas maging maayos pa ang ugnayan ng kanilang pamilya at muling naayos ang pagkakaibigan nina Rommel at Karla.

Imahe mula sa Karla Estrada Instagram account

Nang makalaya si Rommel, kasama ang mag-ina ay nanatili sila sa bahay ni  Robin sa Fairview. Dito itinuring ni Robin na parang tunay na anak si Daniel.