Kamangha-manghang mga ulap nakita sa Argentina

Imahe mula sa Twitter page ng WMO

Sari-saring mga reaksiyon mula sa mga social media users ang idinulot ng napakalaki at kakaibang hugis ng mga ulap na na-videohan sa Argentina.

May ilan na pabirong nagsabi na mukhang parating na ang mga aliens mula sa ibang planeta at may nagsabi naman na hindi tunay ang video ng mga kamangha-manghang ulap na nakunan ni Capitan Marcelo Lopez mula sa sinasakyang barko.

Imahe mula sa Twitter page ng WMO

Ang mga ulap na mukhang nagpatong-patong ay namataan sa ibabaw ng siyudad ng Zarate, 90 kilometro ang layo mula sa Buenos Aires na kabisera ng Argentina.

“It’s like Independence Day,” ayon sa isang netizen na ang tinutukoy ay ang 1996 science fiction movie tungkol sa pag-atake sa daigdig ng extraterrestrial race na hindi malaman kung saan nagmula.

Imahe mula sa Twitter

“Look, it’s the mother ship coming in for a landing,” sabi naman ng isa pa.

Nagpatutsada naman ang isa kay US President Donald Trump at nagsabing “It’s like the wall Trump will build” na patungkol sa border wall na nais ipatayo ni Pres. Trump sa pagitan ng Amerika at Mexico upang pigilan ang pagpasok ng mga illegal immigrants.

Imahe mula sa Twitter

Tinawag naman ng isang netizen na “lucky shot” ang video ng kakaibang ulap. Nagkataon lang daw na naroon ang isang tao na may dalang camera.

“The lengths you guys will go to to create a story! And like someone just happened to be there with a camera. Yeh sure.”

May ilan naman na nagpaliwanag na ang ulap ay isang “shelf cloud,” isang uri ng arcus cloud na lumilitaw bago dumating ang malakas na bagyo.

Imahe mulasa Twitter page ng WMO

Naglabas ng isang alert ang National Meteorological Service ng Argentina matapos lumitaw ang mga ulap at nagbigay ng babala sa mga mamamayan na sakop ng lugar kung saan iyon lumitaw sa nagbabadyang malalakas na bugso ng hangin.