“Just deport him”: Reaksyon ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. sa isyung kinasangkutan ni Tony Labrusca

Imahe mula sa Facebook page ni Tony Labrusca | Inset mula sa Twitter account ni Sec. Teddy Locsin

Kalat na sa madla ang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinasangkutan ng sumisikat na aktor na si Tony Labrusca at nakarating iyon sa kaalaman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. na aktibo sa social media.

Public Domain Image

“Just deport him,” ang maikling tweet ng kalihim bilang tugon sa isang Twitter user na nanawagan kay Tony Labrusca na humingi ng paumanhin sa Immigration officer na sinigawan ng aktor dahil 30 days lang na pamamalagi sa Pilipinas ang ibinigay sa kanya nang dumating siya sa bansa noong Huwebes, ika-3 ng Enero, mula sa Canada.

Imahe mula sa Twitter account ni Sec. Locsin

Dahil sa tweet ni Sec. Locsin, ilang Twitter users pa ang kumuha ng kanyang pananaw tungkol sa magaspang na ugaling ipinakita ni Labrusca sa immigration officer.

Sinabi ni Sec. Locsin na hindi niya kilala ang aktor. Aniya, ang mga celebrities na kilala niya ay sina Sharon Cuneta at Kris Aquino lang.

“I have no idea who he is. Enlighten me. The only celebrities I know are Superstars like Sharon and Kris,” sagot ni Locsin sa isang Twitter user.

Imahe mula sa Twitter

Isang Twitter user ang nagpadala kay Sec. Locsin ng larawan ni Labrusca na nagmomodelo ng isang brand ng damit upang magkaroon ito ng ideya tungkol sa aktor.

“His clothes are too big for him,” reaksiyon ng kalihim sa litrato ni Labrusca.

Nang malaman ang buong istorya sa likod ng kontrobersiya, sinabi ni Locsin na kung sa Amerika ginawa ni Labrusca ang ginawa nito sa NAIA ay siguradong isasailalim siya sa “body cavity search.”

“If he tried that in US he would have gotten an ****** search,” tweet ni Locsin.

Samantala, humingi na ng  dispensa si Tony Labrusca sa mali niyang nagawa.

Imahe mula sa Twitter account ni Tony Labrusca

“I know for a fact that the officer is merely doing her job. My biggest mistake perhaps was letting my emotions get the better of me and again I’m sorry,” pahayag ni Labrusca.

Source 1   Source 2   Source 3