“It’s never too old to dream”: Ang kuwento sa mukha ng “Kentucky Fried Chicken”

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ano nga ba ang tunay na formula sa pagtatagumpay? Maaari ba itong magsimula sa pagkabata, o maaari ding sa pagtanda?

Kamakailan lamang ay napabalita na ang sikat na aktor na si Daniel Padilla ang bagong gaganap na “Colonel Harland Sanders”; ang kilalang mukha sa logo ng tanyag na American food chain na Kentucky Fried Chicken o KFC, para sa pinakabago nitong patalastas. Kaya naman marami ang nagtatanong, ano nga ba ang talambuhay ng mukhang ito sa logo ng KFC?

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila at Wikipedia

Viral ngayon sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang ibinahagi ng netizen na si Jibi Jarobilla hinggil sa “success story” ni Colonel Harland Sanders at kung paano niya naitaguyod ang KFC gamit ang kanyang mga kabiguan sa buhay.

Batay sa ibinahagi ng netizen, maraming pinagdaanang kabiguan sa buhay ang founder ng KFC noong bata pa lamang ito hanggang sa 20’s nito. Nariyan ang maagang pagkawala ng kanyang ama, hindi pagtatagumpay sa paaralan, pagkakatanggal o pagkawala ng trabaho, at maagang pag–aasawa.

“At age 5 his Father died. At age 16 he quits school. At age 17 he had already lost four jobs. At age 18 he got married.
Between ages 18 and 22, he was a railroad conductor and failed.”

Maraming beses ding “bumagsak” si Sanders lalo na sa pagpasok sa army, pagka–reject sa kanya sa law school, at pagiging insurance salesman. Iniwan din siya ng kanyang asawa at dinala nito ang kanilang anak.

“He joined the army and washed out there. He applied for law school he was rejected. He became an insurance sales man and failed again. At age 19 he became a father. At age 20 his wife left him and took their baby daughter.”

Dumating ang “twist” sa kanyang buhay matapos niyang matanggap ang kanyang retirement pay sa gulang na 65. Nakatanggap umano siya ng halagang $105 mula sa pamahalaan, at tila nagbigay ito ng impresyon sa kanya na hindi sapat ang kanyang kinikita bilang isang mamamayan. Dahil dito, nakaramdam ng labis na kalungkutan si Colonel Sanders.

Habang nakaupo sa ilalim ng isang puno, isa–isa niyang itinala ang mga bagay na nais pa niyang mangyari sa kanyang buhay. Napagtanto niyang mayroon pa siyang hindi nagagawa, na alam niyang mahusay siya pagdating sa bagay na iyon — ang pagluluto.

“He sat under a tree writing his will, but instead, he wrote what he would have accomplished with his life. He realized there was much more that he hadn’t done. There was one thing he could do better than anyone he knew. And that was how to cook.”

Humiram siya ng halagang $87, bumili ng manok at pampalasa sa kanyang recipe, at sinimulang magluto ng ilang piraso at inilako ang fried chicken sa kanyang mga kapitbahay.

“So he borrowed $87 against his cheque and bought and fried up some chicken using his recipe, and went door to door to sell them to his neighbors in Kentucky.”

Lumago ang kanyang paunti–unting negosyo hanggang sa makaipon at makapagpatayo ng kauna–unahang KFC branch sa Utah noong 1952, at sabi nga, “and the rest is history…”

Sa gulang na 88, ganap na naging bilyonaryo si Colonel Sanders.

Sabi ng netizen, ang naging aral ng talambuhay ni Colonel Sanders ay “Attitude”. Aniya, “It’s never too late to start all over.” Kumbaga, wala sa edad ang pagkakamit ng tagumpay. “It’s never too old to dream.”

“Moral of the story: “Attitude” It’s never too late to start all over. MOST IMPORTANTLY, IT’S ALL ABOUT YOUR ATTITUDE. NEVER GIVE UP NO MATTER HOW HARD IT GETS. You have what it takes to be successful.
Go for it and make a difference.  No guts no glory. It’s never too old to dream.”

Sa Pilipinas, isa ang KFC Restaurant sa mga dinadayong kainan dahil sa kakaibang lasa ng fried chicken nito; samahan pa ng malasang gravy na halos iulam na ng mga Pilipino.

Nawa ay maging inspirasyon ang naging kuwento ng tagumpay ni Colonel Sanders sa lahat!

Narito ang buong Facebook post sa Memories of Old Manila:

I-click ang larawan upang makita ang buong Facebook post sa Memories of Old Manila