Isang fruit tea company, inireklamo ng customer dahil sa tatlong ipis na lumulutang sa biniling inumin

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nico Yabut

Mahilig ka bang uminom ng milk tea? Kung oo, tingnan at suriing mabuti ang mga binibiling inumin kung may “lumulutang na kakaibang bagay” rito.

Tulad na lamang ng ibinahagi ng netizen na si Nico Yabut sa kanyang Facebook account noong Enero 2, 2019 na bumili ng kanyang paboritong inuming passion fruit tea with coco jelly mula sa isang sikat na beverage fanchise company.

Nang malapit na niyang maubos ang laman ng biniling inumin, napansin niya ang mga kakatwang bagay na palutang–palutang sa loob nito. Nang tinitigan niyang mabuti, ang mga ito pala ay tatlong maliliit na ipis. Ayon kay Yabut, binili niya ito sa Gong Cha branch sa loob ng Theatre Mall, Greenhills sa San Juan

“This afternoon, I ordered from Gong Cha Philippines in Theatre Mall, Greenhills. The staff then handed me my drink eventually with a sealed straw and all. The drink was really good. But just as I was about to finish the drink, I moved the cup-sleeve to check how much I had left and I was utterly shocked to see 3… yes, 3 LITTLE COCKROACHES in my drink.”

Ibinahagi ni Yabut ang mga larawan at video na nagpapakita ng mga naturang insekto sa biniling passion fruit tea with coco jelly, bilang patunay sa kanyang claims.

“To the management at GONGCHA PH. You might want to investigate. This is simply unacceptable,” sabi ni Yabut.

Nagbigay–babala naman si Yabut sa iba pang mga customers ng alinmang nabibiling inumin o pagkain.

“Guys, please do check your orders before drinking/eating them… wouldn’t want this to happen to anyone else,” paalala ni Yabut.

Iclick ang larawan upang makita ang buong post ni Nico Yabut

Halo–halo naman ang reaksyon dito ng mga netizen. May naalarma at mayroon ding tumuligsa kay Yabut.

“This is so gross. Hope you got a check–up and that you’re doing fine!”

“Department of Health should be notified, these people are not keeping up with sanitary standards.”

“NASTY AND UNACCEPTABLE. Good thing you were able to take a snap of what’s left. Hope you’ll recover fast from whatever you’ve swallowed.”

May mga netizens na nagtanggol kay Yabut sa paratang na gawa–gawa lamang niya ito at siya ang naglagay ng mga ipis sa loob nito upang makakuha ng atensyon at iba pang benepisyo.

“I’M BACK HERE CAUSE I READ THE CAPTIONS OF PEOPLE WHO SHARED IT AND BASHED YOU. If they had read your post properly, they would know your drink had sinkers AND a cup sleeve—two things that would make it difficult for you to clearly see if there were roaches in your drink (I attached a photo for those who don’t know how it would look like). You and Krisel Quitilen (girlfriend ni Yabut) are the victims of this unfortunate event, and I can’t believe people are making this about you wanting free drinks or something WTH.”

Larawan mula sa Facebook account ni Nico Yabut

Bagama’t wala pang pahayag ang Gong Cha Philippines sa naturang insidente, hindi ito ang unang beses na inireklamo ang naturang beverage company. Noong Abril 2015, inireklamo din ang branch nito sa Eastwood dahil sa ipis na natagpuan ng isang customer sa biniling inumin mula rito.

Source 1 Source 2 Source 3