Isang deboto nag-propose sa kanyang GF sa gitna ng prusisyon ng Poong Nazareno

Imahe mula sa Remle Joy Estacio Facebook account

Kadalasang eksena sa Traslasyon ng Mahal na Poong Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila ang maraming tao; tulakan, gitgitan makahawak lamang sa Poon. Ganito rin ang eksena kapag nais mong makapasok sa loob ng simbahan na dinadaluhan ng milyong deboto nito.

Ngunit possible kayang magkaroon wedding proposal sa ganitong tagpo?

Aba’y P’wede! Pinatunayan ito ng isang lalaki nang mag-propose ito sa kanyang kasintahan sa kasagsagan ng taunang traslasyon ng mahal na Poon sa Quiapo.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Remle Joy Estacio, ibinahagi nito ang wedding proposal ng kanyang kaibigan sa Quiapo.

Ayon sa post:

“Gusto ko lang i-congrats ‘yung kaibigan ko Khristine Orpiano. Supportive friend here! Grabe nakakakilig talaga tong eksena nato! On the spot lang din namin nalaman ng kaibigan ko yung pakulo nitong si Christian Genese. Grabe yung mga tao naghihiyawan talaga sa kilig. Galing mo Louie! CONGRATULATIONS sainyong dalawa! Ayan be ah ang HABA NG HAIR MO!!! Isa pa ang FAMOUS nyo na!

P.S. Sa mga friends namin na wala don sobrang na missed nyo itong moment na to.”

Imahe mula sa Remle Joy Estacio Facebook account

Ayon sa ulat ng ABS CBN, anim na taon nang magkasintahan sina Christian at Kristine na parehong nagbabakasyon galing sa Canada. Deboto ng Nazareno si Christian kaya inimbitahan siya nito na pumunta sa simbahan sa Quiapo, ani Kristine.

Nagulat umano si Kristine sa mga kaibigang deboto ni Christian na hawak ang mga katagang “Will you marry me?”pagtapos ng misa.

Matamis na “oo” ang kanyang ibinigay kay Christian sa espesyal na araw na ito.

Congratulations, Christian at Khristine! Pagpalain nawa ng Mahal na Poong Nazareno ang inyong pagsasama.

Panoorin ang video ng wedding proposal na ito:

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang video
Source :

Facebook, ABS CBN