IRVINS, nag-public apology dahil sa butiki sa loob ng salted egg fish skin snack

Imahe mula sa Facebook page ng IRVINS Salted Egg

Humingi ng paumanhin sa publiko ang founder ng popular na IRVINS Salted Egg snacks dahil sa butiki na nakita sa loob ng kanilang Salted Egg Fish Skin snack.

Sa ulat ng Business Insider, isang Jane Holloway ang nag-post sa Facebook noong ika-28 ng Disyembre 2018 tungkol sa nakitang butiki sa loob ng IRVINS Salted Egg Fish Skin snack.

Imahe mula sa Facebook page ng IRVINS Salted Egg

Ayon kay Holloway, nakain na ng kanyang ina at kapatid na lalaki ang kalahati ng isang balot na salted egg-flavored fish skin snack nang makita nila ang butiki.

“OMG I can’t believe IRVINS Salted Egg is not purely salmon fish skin but also gecko! My poor brother and mum ate half the bag before they found this inside!!! Soooo disgusting! How can this happen? This gecko was probably deep fried with the salmon skin by the looks of it. Eeeewwww!,” ani Holloway sa kanyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Jane holloway

Agad na nagpadala ng e-mail ang kapatid ni Holloway sa IRVINS Salted Egg para magreklamo.

Sabi ni Holloway, agad namang sumagot ang founder ng ng kumpanya na si Irvin Gunawan, isang Indonesian-born businessman na nakabase sa Singapore.

Humingi daw ng paumanhin si Gunawan at nag-alok ng refund at nangakong sasagutin ang anumang medical expense kung kinakailangan. Sinabi rin umano ng IRVINS founder na ire-recall  nila sa merkado ang batch ng kanilang salted-egg flavored snacks na may expiry date na October 16, 2019.

Handa umano ang kumpanya na magbigay ng refund sa mga customers na nakabili ng salted egg-flavored snacks na kabilang sa naturang batch.

Nag-post din ng apology ang IRVINS sa kanilang Facebook page at sinabing nakikipagtulungan sila sa imbestigasyon na isinasagawa ng Agri-Food and Veterinary Authority ng Singapore.

Imahe mula sa Facebook page ng IRVINS Salted Egg

“Quality control is one of the most important aspects of our company and we are always on our toes because our customers’ safety is everything to us. We really want to sincerely apologize to the customer and everyone who is affected by this incident directly or indirectly. We take full responsibility for the goods that we sell and everything in it,” bahagi ng Facebook post ni Gunawan.

Source 1   Source 2   Source 3