Guro na matiyagang iginuhit ang kanyang mga mag-aaral, hinangaan sa loob at labas ng bansa




Mga Imahe mula sa facebook posts ni Roselyn Barcoma

Globally praised and appreciated – ‘yan si teacher Roselyn Barcoma, 16 taong nang nagtuturo, na humakot ng atensyon sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang mga estudyante.

Sino ba naman ang hindi hahanga at bibilib sa kanya na sa kabila ng kabisihan sa pagtuturo at paghahanda ng mga lesson plan at visual effects ay makasisingit pa siya ng panahon upang isa-isang iguhit ang kanyang 27 na estudyante?

Labor of love talagang matatawag, ‘di ba?

Mga imahe mula sa Facebook posts ni Roselyn Barcoma

Siya ay English teacher umano sa Holy Redeemer School sa Cabuyao, Laguna.

Sinurpresa niya ang kanyang 27 mga mag-aaral sa pagbabalik paaralan ng mga ito nitong Enero 2019 sa pamamagitan ng paglalagay ng portrait ng bawat isa sa kanilang upuan bilang Christmas gift; naka-frame pa.

I-click ang imahe upang mapanood ang video ng TV Patrol

Ang mga Grade 9 students niya ay labis umanong nagulat at nasiyahan sa kanilang pagpasok sa silid-aralan kung saan ay tumambad sa kanila ang personalized na regalo ng kanilang adviser. Damang-dama nila ang pagmamahal sa kanila ng kanilang guro. Hindi kasi biro ang panahon na ginugol ni Ma’am sa bawat portrait.

Isang buwan umano niyang palihim na ginawa ang pagguhit sa larawan ng mga bata, at hindi nakaligtas sa panuri at atensyon ng mga global netizens ang kanyang ginawa.

Mga imahe mula sa Facebook posts ni Roselyn Barcoma

Sari-saring news media sites, mapa-lokal man o international – ang itinuring na “very inspiring” ang kanyang act of love, at iba-ibang nasyonalidad din ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Ma’am Barcoma. Makikita rin sa Facebook ang pagpapahayag ng pasasalamat ni Ma’am Barcoma sa mga nagbahagi ng kanyang kuwento.

Mga imahe mula sa Facebook posts ni Roselyn Barcoma

Narito ang ilang komento mula sa mga taga-ibang bansa:

“Hello miss Roselyn, I am from Bangladesh. Right after reading it in our top national daily, I searched your name on FB and found you with this ‘share’. I just want you to know that what you did for your students is ‘simply an awesome inspiration’ – all of your drawings are beautiful and there is a ‘simplicity’ in your art…..a teacher should be like you- inspiration in life. I hope your students will appreciate your love for them and you will find new ideas in upcoming days to express your creativity through art.. Good luck.”

“This is one of the kindest gesture that I have ever seen. You must be very special to all of them. God bless you and keep up the great work.  – Blaise, Toronto” at bukod pa rito, ibinahagi din ito sa social media.

“Roselyn Barcoma, great idea! Something her students will never forget.”

Patuloy pang lumalawak ang naabot ng kanyang kuwento ng pagmamahal. Tunay kasi siyang inspirasyon sa larangan ng edukasyon.