Bagong kasal, dismayado sa wedding coordinator dahil sa “styrofoam” na wedding cake

Mga larawan mula sa Facebook account ni Yhang Yhang

Ang pagkikipag–isang dibdib o pagpapakasal ay isang sagradong seremonyang pinaghahandaan at pinagkakagastusan. Magmula sa simbahang gaganapan ng kasal, damit na susuutin, hanggang sa reception, pinaglalaanan ito ng oras, panahon, at salapi.

Isa ito sa mga pinapangarap ng ilan kaya naman kinakailangang sulit ang bayad upang maging maganda ang mga alaalang maiiwan. Ang iba ay nagbabayad pa ng wedding coordinator upang mas maging mabilis at may mag–aasikaso sa kanilang kasal. Pagdating naman sa reception, isa sa mga inaabangan ang wedding cake. Subalit paano kung matuklasang ang  wedding cake na sana’y makakain ay gawa pala sa styrofoam?

Iyan ang ibinahagi ng Facebook user na nagngangalang “Yhang Yhang” nang isalaysay niya ang karanasan ng isang bagong kasal sa kamay ng wedding coordinator matapos nitong hindi ibigay ang serbisyong nararapat para sa pinaghandaang kasal.

Imahe ni Takmeomeo mula sa pixabay

Sa mahabang salaysay ng translator para sa Taiwanese na groom, umabot sa 140, 000 libong piso ang ibinayad ng ikinasal sa naturang wedding coordinator bilang budget sa pag–aasikaso sa marangyang pag-iisang-dibdib. Sa una pa lamang daw ay alam na nilang hindi maibibigay ng wedding coordinator ang serbisyong nais nila.

“Yung tipong pagkatapos sana ng wedding ay honeymoon na, kaso sa presinto ang deretso! Ateng malaking eskandalo, abala at kahihiyan ang ginawa! Di ka na naawa sa ikinasal! Unang dating pa lang namin alam na naming heto ang mangyayari eh, pero di kami nagback–out dahil andito na eh, coordinator ka pero di mo inayos! San napunta ang 140k?”

Inisa–isa ng Facebook user ang mga palpak na serbisyo ng wedding coordinator magmula sa simbahan, sa mga pagkain, at programa ng reception.

“Yung simbahan walng bulaklak, yung pagkain sa karenderia lang binili kasi nga walang pagkain na nakahain, at yung ikinasal pa yung nagshoulder which is di naman tama na sila pa ang nagkakandarapa, ako na translator naging waitress, tagaasikaso ng guests na ultimo tubig wala! Takbo dito, takbo doon,my goodness! Tapos pag tinatanong ka anong next sa program, ikaw pa galit. Yung isang beses lang mangyayari sa tanang buhay nila pero anong nangyari? Diyos ko, yung bbq mo nasaan? Eh 107 na katao magdadala ka lang ng dalawang Andoks (pangalan ng kilalang bilihan ng roasted chicken).”

At ang pinakamatindi rito, natuklasan nilang ang wedding cake ay gawa lamang sa styrofoam at hindi makakain. Depensa raw ng wedding coordinator, naloko siya ng kanyang business partner.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Yhang Yhang

“Yung 2 layer–cake hayan ang ganda, styro lang at pinatungan ng isa,bongga ang hotel pati reception pero tinipid mo lang, yung wine juice lang, tapos oras na ng bayaran sasabihin mo walang cash? Deposit na lang bukas, aba’y saan napunta ang 140, 000? Diyos me Marimar, kesyo tinakbuhan ka ng business partner mo, nasa airport na, ninakawan ka pa? Tsk! Very wrong ate!”

Ibinahagi rin ng netizen ang video ng komprontasyon sa wedding coordinator sa loob ng presinto.

Samantala, narito ang buong Facebook post ni Yhang Yhang:

Mga larawan mula sa Facebook account ni Yhang Yhang

Source 1 Source 2 Source