Sampaguita vendor sa Quiapo, hinangaan sa social media dahil sa taglay na kagandahan

Mga larawan mula sa Facebook page na Diary ng Babae at Facebook account ni Veronica Rodillas

Kapag sinabing “nagtitinda ng sampaguita” karaniwang pumapasok sa isipan ng marami na ito ay bata o matandang gusgusin at nakasuot ng karaniwang damit (na maaaring sira–sira o tagpi–tagpi) at maghapong nakatayo o nakatambay sa harap ng simbahan.

Kaya naman ikinagulat ng ilang mga tao na makakita ng isang napakagandang babaeng nagtitinda ng  sampaguita sa mga kalye ng Quiapo, Maynila at naging viral sa social media.

Ayon sa Facebook page na “Diary Ng Babae,” ang naturang magandang dalaga na nagtitinda ng sampaguita ay kinilalang si Veronica Rodillas, at batay sa mga larawan, si Veronica ay isang mestiza, may lagpas balikat na itm na buhok, at nakasuot ng pink fitted shirt at blue jeans. Tinagurian siyang “Sampaguita Girl.”

Mga larawan mula sa Facebook page na Diary ng Babae

Si Veronica ay kasalukuyang nag–aaral sa Universidad de Manila at nagtitinda ng sampaguita garlands tuwing Biyernes ng umaga bago pumasok sa eskwela. Tuwing Biyernes ay dumarayo ang mga tao sa simbahan ng Quiapo upang dumalo sa misa.

Limang taon pa lamang si Veronica ay kinalakhan at kinasanayan na niya ang pagtitinda ng sampaguita sa harapan ng simbahan ng Quiapo bilang pagtulong sa kanyang ina. Hiwalay ang mga magulang ni Veronica at hindi niya ikinahiya ang pagtitinda nito.

Iba–iba naman ang reaksyon ng mga netizen hinggil dito.

“Hindi lang maganda, masipag pa! Iyan ang mga dapat tularan ng kabataan ngayon.”

“Totoo man o hindi, pretty siya in fairness. Madami mga magaganda at gwapong mga tindero naun noh?”

“Oo naman maganda talaga siya inggit lang kayo sa kanya kase hnd siya nhihiya magtinda, marunong siya tumulong sa kanyang magulang.  kayo ano ba ano naitulong n’yo kung di sakit ng ulo ng magulang n’yo.”

Matatandaang sumikat din sa ganitong paraan sina Jeyrick Sigmaton o mas nakilala bilang “Carrot Man” at si Rita Gaviola na tinawag namang “Badjao Girl” dahil sa kanilang magandang kaanyuan.

Mga larawan mula sa Google Image

Source 1 Source 2 Source 3