Asia’s Songbird Regine Velasquez–Alcasid, pinakabagong endorser ng BYS Cosmetics

Mga larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

Patuloy sa pagkampay ang mga pakpak at pamamayagpag sa himpapawid ng industriya ng musika si Asia’s Songbird Regine Velasquez–Alcasid matapos ang “pagdapo” sa pugad ng ABS–CBN Kapamilya Network.

Bukod sa pagiging mainstay sa longest musical variety show na “ASAP Natin’To,” trending music collaboration sa mahuhusay na mang–aawit ng industriya, nakalinyang maging hurado sa most–anticipated franchised singing competition na “Idol Philippines,” upcoming concert kasama si Unkabogable Star Vice Ganda, at pag–awit ng opisyal na theme song ng teleseyeng “The General’s Daughter,” siya ang pinakabagong endorser ng “BYS Cosmetics.”

Masayang–masayang ibinahagi ng Songbird ang bagong achievement na ito sa kanyang Instagram account.

Makikita sa Instagram post ng Songbird ang kanyang mga larawang mala–reyna na may mottong “Unleash your full potential reign with power.”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

Bagay na bagay sa Songbird ang tema ng BYS dahil itinuturing siyang “Queen” at “legendary” ng halos lahat ng mang–aawit sa Pilipinas na nabigyan niya ng inspirasyon noong nagsisimula pa lamang ang mga ito. Ilan sa mga sikat na mang–aawit na ito ay sina Sarah Geronimo Morissette Amon, at Angeline Quinto.

Kaugnay ng pagiging endorser ng BYS Cosmetics, itinampok din si Regine sa magazine na MEGA.

“No other name comes close to legendary status than that appended by a now iconic Asia’s Songbird title. Making time her friend, Regine Velasquez-Alcasid has gone through many moments with confidence and grace, easing through changes in great stride. Today, she begins the new year with a promise of many potentials, one that includes something close to her heart—makeup and beauty. Not only does she front our opening salvo, she also announces a new role that is befitting as it is truly worthy as she steps in as the new face of Australian cosmetics brand, BYS Cosmetics–Philippines. This is a story you will not want to miss a thing of.”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

Umani naman ng mga positibong komento mula sa mga netizen ang mga larawan ng Songbird.

“One true QUEEN!!!”

“Grabeee! Naiiyak ako sa ganda mo Songbird! Nakakaamaze lang talaga!”

“Miss Reg having the glow and glam she always deserves, and now your shining more than ever, loved this.”

“May mga dumating mang bago, wala pa ring titibag sayo, Queen RVA. Marunong man silang bumirit, hindi pa rin nila mapapantayan ang husay mo, lalong–lalo na ang prime mo.”

Pagbati, Songbird!

Source 1 Source 2 Source 3