Air Asia nag-alok ng 1.9 million promo seats sa murang halaga

Imahe mula sa Air Asia

Mahilig ba kayong maglakbay sa iba’t ibang lugar?

Sinimulan ng Air Asia ang taong 2019 sa pag-aalok ng murang paglalakbay sakay ng kanilang mga eroplano sa pamamagitan ng BIG Loyalty Program.

Sa ulat ng GMA, inanunsiyo ng Air Asia noong Biyernes, ika-11 ng Enero, na available ang 1.9 million promo seats para sa 130 iba’t ibang destinasyon sa Asya, Australia, New Zealand at sa Middle East.

Tinawag na BIG Blowout to kickstart 2019 ang promo ng Air Asia.

Imahe mula sa Facebook page ng Air Asia Philippines

Sa isang patalastas na inilabas ng Air Asia Philippines sa Facebook page nito, ang mga miyembro ng BIG Loyalty Program ay maaaring makabili ng plane ticket sa halagang P519, P719 at P990 lang para sa flights na manggagaling mula sa Maynila, Cebu, Clark at Cagayan de Oro.

“AirAsia is having a big blow out to ring in the new year! Fly from Clark and Iloilo from as low as Php 519 and Php 990 from Manila for BIG Members!” ayon sa Facebook post ng Air Asia Philippines.

Imahe mula sa Facebook page ng Air Asia Philippines

Ayon kay Air Asia Philippines Chief Executive Officer na si Dexter Comendador, ngayon na ang pinakamagandang panahon upang magplano ng paglalakbay.

“We are kicking off 2019 with a bang that extends from the Philippines to the whole of AirAsia Group’s massive network from Malaysia, Indonesia, Thailand, India, and Japan. Now is the best time to plan your future holiday with AirAsia’s blow out sale. We hope our guests from all over the world are excited to explore and at the same time enjoy great savings,” ani Comendador.

Imahe mula sa Air Asia

Ang booking period para sa blow out sale ng Air Asia ay nagsimula noong ika-11 ng Enero at magtatapos sa ika-20 ng Enero. Maaaring magamit ang plane ticket hanggang ika-31 ng Hulyo 2019.

Maaaring mag-sign up nang libre sa BIG Loyalty Program ang sinuman sa membership page ng website ng Air Asia – https://member.airasia.com/.

Imahe mula sa Air Asia

Ilan sa mga benepisyo ng pagiging miyembro ng naturang programa ay ang hanggang 90% discount sa Air Asia flights, 24-hour priority access sa mga promo at full flight redemption para sa libreng flight.

Ang Air Asia ay isang Malaysian airline na tinaguriang “World’s Best Low-cost Airline.” Ang Air Asia Philippines ay affiliate nito.

Source :

Facebook, ABS-CBN, GMA