Tony  Labrusca nadale ng guwardya sa kanyang mall tour sa Batangas




Imahe mula sa Tony Labrusca Instagram Account

Nag-viral ngayon sa social media ang pagkuyog ng fans kay “Glorious” star Tony Labrusca, gayundin ang pagsapak sa kanya ng isang guwardya sa  Victory Mall sa Tanauan, Batangas nitong December 8.

Sa video na ibinahagi ni Patricia Ann Malubay Ramilo, mapanonood ang pagkuyog ng mga fans  at pagsapak ng guard kay Labrusca.

Mapanonood sa video na makaraan ang performance ni Labrusca ay pinagkaguluhan siya ng mga fans.

Image capture mula sa video ni Jorge Gamlanga via Facebook comment

Hindi naman malinaw sa video kung sinadya ngang sapakin ng guard si Labrusca pagkat tila umaawat lamang ang una sa pagkuyog ng mga fans dito.

May mga netizens namang nagpahayag ng pagsuporta sa guard na naniniwalang hindi nito intensyong sapakin sng  ‘Glorious’  star.

“Kawawa naman si kuya guard. kita naman nagkakagulo na. baka me isang fan na lumagpas na beyond sa border at nahaltak si Tony. accident tingin ko.”

“100x ko ata inulit ulit hndi si Tony ang sasakpakin niya at lalong hindi mukha ng fans kundi kamay ng fans na hahablot sana kay Tony, yung hawi na lang ng kamay at braso ng guard ang tumama kay Tony kaya siya bumagsak .”

“Kawawa yung guard..gusto ko rin si Tony kahit matanda na ko pero nakakahiya ‘yung naging asal n’yo, andyan kami mababait ‘yung mga guard dala ng trabaho para lang protektahan si Tony..wag naman one sided mhirap maging guard sa ganyan walang kadisiplinang mga tao parang mga hayok na hayok sa laman eh..”

Sa isa pang komento ni Ramilo, sinabi nitong mali ang inasal ng mga fans sa naturang mall at hindi talaga sinadya ng guard ang nangyari.

“Guys kalma. In my opinion ha. Naiintindihan kong sobrang yummy ni Tony, pero verii wrong pa din ‘yung nangyari. Kung naging maayos lang naman kasi yung mga fans hindi aabot sa ganun .. You saw it in the video guys na may humablot sa neckline ng damit ni Tony kaya siguro when kuya guard is about to help him, hindi sadyang napatama sa mukha niya ‘yun lang ‘yun friends. Alangan naman sapakin nung guard si Tony intentionally ..chill lang tayo yun nga lang mukhang hindi na siya talaga babalik dito.”

Well, sa kanyang Twitter post, nagbigay na ng pahayag ang aktor hinggil sa pangyayari.

Image via Tony Labrusca’s Twitter post

Aniya, “Hey guys, I noticed a lot of you are worried about me getting punched in the face in my last mallshow. I’m totally okay 🙂 I know the guard didn’t mean it. Thanks to everyone for being so thoughtful!”

Imahe mula sa Facebook post ni Patricia Ann Malubay Ramilo