Now a lady: Frankie Pangilinan, nagdiwang ng ika-18 kaarawan




Mga larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Nagdiwang ng kanyang ika–18 kaarawan ang panganay na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan sa jazz–themed debut party na ginanap sa Shangri–la Hotel sa The Fort noong Sabado, Disyembre 15, 2018.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Dinaluhan ang naturang eleganteng debut party ng kanyang mga kapamilya, kaanak, at malalapit na kaibigan kabilang ang kanyang ateng si KC Concepcion at ang boyfriend nitong si Pierre Plassart.

Batay sa Instagram post ni Sharon, napakapersonal ng debut na ito para sa kanyang anak.

“Her party was very personal and so non-showbiz. The only stars present were Ara Mina, Sunshine Cruz and her beautiful girls, and Leila Alcasid. There were no professional singers who performed,” ani Sharon.

Isa rin sa mga dumalo sa naturang event ang dalawang anak ni Queen of All Media Kris Aquino na sina Joshua at Bimby bilang kinatawan ng kanilang ina.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Nagbigay naman ng makabagbag–damdaming mensahe ang kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account.

“Happy 18th Birthday again to one of my very best friends in the whole wide world, a lady with a pure heart, who loves God and has helped a couple of her friends to become closer to Him; my easiest baby when she was an infant then a toddler. She was so well-behaved you could’ve forgotten that there was a baby in our home! I love you so much my Baba. Again, thank you for your heart, your kindness and your love. I cannot express just how proud I am of you! May God give you all that your heart desires.”

Ipinamalas naman ni Frankie ang kanyang talento sa pag–awit. Ibinahagi ito ng Megastar sa kanyang Instagram account.

I–click ang larawan upang mapanood ang video mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Halos nasubaybayan ng publiko ang paglaki ni Frankie simula nang ito ay sanggol pa lamang, naging paslit, nagdalaga, at ngayon nga’y ganap nang dalaga. Makikita sa Instagram post ng Megastar ang kanyang paggunita sa kabataan ni Frankie simula noong maliit pa lamang ito.

Bagama’t taglay ang kagandahan at talento ng kanyang ina, at nasa hustong gulang na, hindi naman kompirmado kung hudyat na ba ito upang sundan ni Frankie ang yapak ng kanyang ina at ate sa mundo ng showbiz.

Happy 18th birthday, Frankie!