Namamasko po! Iba-ibang pakulo sa pangangaroling kinatuwaan




Malapit na malapit na ang Pasko kaya’t dagsa na ang mga nangangarolling at umaasang makapag-ipon ng kanilang mapapamaskuhan sa pamamagitan ng pag-awit sa mga bahay-bahay.

Ngunit ayon sa ilang mga namamasko, tila napakahirap maitsahan ng maganda-gandang pamasko ang mga nangangarolling. Kaya naman ang ilan sa mga grupo ay nagsipag-isip na tuloy ng mas magandang presentasyon upang makumbinsi ang kanilang tinatapatan na bahaginan sila kahit papaano ng pandagdag pamasko.

Gaya na lang ng grupo sa video na ipinost ni Love Joy Empig sa social media, na aniya: “Kung mangangaroling ka lang naman lubos-lubosin mo na…”

Nilubos nga naman kasi ng grupo ang galing nila na naghanda talaga ng medley ng mga kantang pamasko at may dance choreo pa na sinakop ang lapad ng kalsada. Pinaghandaan, pinagpraktisan talaga. Ayon sa maririnig na salita sa video, ang haba pa ng presentasyon ng grupo. Umabot na ng mahigit 10,000 shares ang video pagkat maraming naaliw.

I-click ang imahe upang mapanood ang video ni Love Joy Empig

Nariyan din ang video post ni Nheng Nheng ng isang grupo ng carollers na kumpleto pa sa mga instrumento ng banda at may pailaw pa. Aniya, “Only in Maloco, kakaibang caroling ra.”

Dahil sa kanilang nakakapagod na pangangaroling, mahihiya kang magbigay ng limang piso; komento ng isang netizen.

I-click ang imahe upang mapanood ang video ni Nheng Nheng

Samantala, may solo rin namang rumaraket sa pangangaroling, gaya ni ate sa video na ibinahagi ng OFW JOIN FORCE – Philippine Chapter Facebook page.

“Oks na oks ang karoling ni ate,” saad sa kapsyon sa video.

Marami ang natuwa sa good vibes na hatid ng babae. Saan ka ba naman makakakita na may usapan na agad kung magkano ang ibibigay mo? Limang piso ang presyo niyang hinihingi kasi, pero puwede ka pang tumawad. Muntik pa itong magsukli ng apat na piso sa kuya.

Ang palitan nila ng usap ay nagdala ng tuwa at marami ang hindi nakatiis na magkomento.

“Natanggal stress ko dito….susuklian pa ng apat na piso. Nagkaroon pa siya ng daddy.”

“Pang good vibes si ate ah napatawa ako, ngayon lang ako nakarinig ng may sukli na aguinaldo.”

I-click ang imahe upang mapanood ang video

Source 1  Source 2  Source 3