Murang commercial rice na P34-P39 per kilo, mabibili sa mga supermarket




Imahe mula sa Sonshine Radio

Isang magandang balita para sa mga mamamayan ang inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na available na sa mga supermarket ang murang commercial rice.

Ayon sa ulat ng GMA, maaari nang makabili ng commercial rice na nagkakahalaga ng P34-P39 per kilo sa mga supermarket. Ito ay matapos maaprubahan ang Administrative Order No. 13 ng National Food Authority noon pang buwan ng Oktubre taong kasalukuyan.

Imahe mula sa Philnews

Sa ilalim ng nasabing kautusan, ang mga piling retailers ay pinayagan na direktang mag-import ng bigas na hindi na dadaan sa mga traders upang maibenta iyon sa mas murang halaga.

“Dito sa programa natin na kapag sila ay nag-import, makakabenta sila ng diretso. In other words, ‘di na sila dadaan ng maraming traders. Makakabenta na sila ng murang bigas,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.

“Ito ang ginawa natin para mas mura…para diretso na sa consumer,” dagdag pa niya.

Ang programang binanggit ni Lopez ay tinatawag na “Presyong Risonable Dapat.”

Imahe mula sa Philnews

Inilunsad ito ng DTI katuwang ang Department of Agriculture at mga retailers gaya ng Robinsons Supermarket, Puregold at iba pa.

“Ang unang nakapag-comply diyan ‘yung Robinsons Supermarket. Dito po sa Manila, 88 branches nila. Meron na silang bigas lower than P40 [per kilo],” pahayag ni Lopez.

Susunod na rin umano na magbebenta ng murang commercial rice ang Puregold at Gaisano.

Maganda nga namang balita ito.