Mga beterano ng Pinoy Movies Gloria Romero, Eddie Garcia hahataw sa MMFF entry “Rainbow’s Sunset”




Mga imahe mula sa Cinema Bravo at Wikipedia

Sino ba naman ang hindi bibilib sa dalawang premyadong aktor na inabot na ng edad na 85 at 89 ngunit patuloy pa ring namamayagpag sa larangan ng pelikula at telebisyon?

Ang Cinema Bravo Ph ay nagbahagi sa kanilang Facebook page ng trailer ng kanilang their MMFF movie entry “Rainbow’s Sunset” at pupukawin ang inyong atensyon ng kanilang kapsyon na: “Pakialam ko kung ano sabihin nila? Na ano? Na bakla ako?”

Linya pala iyon ng 89-anyos na beteranong aktor-direktor na si Eduardo Verchez García, na mas kilala bilang Eddie Gardia, sa family drama LGBT-themed na pelikula na idinirehe ni Joel Lamangan sa ilalim ng Heaven’s Best Entertainment.

1949 nang nagsimula sa pelikula si Garcia at mahigit na sa 400 ang kanyang naging pelikula at show sa telebisyon. Naging tanyag siya bilang kontrabida at tumatak din siya sa masang Pilipino bilang komedyante sa ilang proyekto. Idinirehe din niya ang kanyang unang pelikula –  Karugtong ng Kahapon – noong 1961.

Mapupuna na hindi nabakante ang batikang aktor sa kabila ng kanyang edad.

Imahe mula sa Wikipedia

Ang premyadong aktres na si Gloria Romero, aka Gloria Galla, na nagdiwang ng kanyang ika-85 kaarawa nito lamang Disyembre 16, ay wala ring hindi nakakakilala pagkat umabot na rin siya sa mahigit anim na dekada sa larangan ng pag-arte.

Ilan lamang sa kanyang nakamit na pagkilala ang FAMAS Best Actress 2001 (Tanging Yaman), FAMAS Best Supporting Actress para sa Nagbabagang Luha (1989) at Dalagang Ilocana (1955).

Siya rin ang unang nakatanggap ng “Lifetime Achievement Award” mula sa MTRCB (Movies and Television Review and Classification Board) at napabilang na rin sa “Walk of Fame” sa Eastwood City sa Libis kagaya ni Garcia at ilang kapanahunan nila.

Imahe mula sa Rainbow’s Sunset Facebook page

Pinagsama ang isang Eddie Garcia at Gloria Romero sa isang de-kalidad na pelikula; isinama pa ang kapitag-pitagang aktor-direktor na si Tony Mabesa na 83-anyos na rin ngunit humahapit pa rin sa galing, ano ang aasahan nating resulta?

Si Mabesa ay professor emeritus ng UP Theater Arts department at founder ng Dulaang UP.

Ang Metro Manila Film festival ay magbubukas sa Disyembre 25 sa Philippine cinemas.

Samantala, ating silipin ang trailer ng Rainbow’s Sunset kung saan ay masisilayan din natin ang iba pang mga kabilang sa matinding casting nito:

Kitakits sa mga sinehan simula sa Pasko?

Source 1   Source 2