Matapos ma-acquit sa plunder, Bong Revilla nagpiyansa ng P480k sa 16 pang graft cases




Nagpiyansa si dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. ng halagang P480,000 para sa labing-anim pang graft cases para sa kanyang pansamantalang kalayaan ilang sandali lang matapos siyang mapawalang-sala ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder.

Imahe mula sa Facebook account ni Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ayon sa ABS-CBN, inalis na ng Sandiganbayan ang hold departure laban sa dating senador kaya maaari na itong makabiyahe sa ibang bansa ngunit kailangan muna ni Revilla na magpiyansa sa iba pa nitong kinakaharap na kasong graft para makalabas sa piitan.

“Unless and until the bond is posted in the said cases, he will not be released,” ayon sa desisyon ng anti-graft court nitong Biyernes, ika-7 ng Disyembre.

Imahe mula sa Facebook account ni Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Si Bong Revilla ay ipiniit sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame noong 2014 matapos magsampa ng kasong plunder ang Office of the Ombudsman laban sa kanya kaugnay ng diumano’y pagbulsa niya ng halos P225 milyong pisong kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund.

Ayon sa Sandiganbayan, bigong mapatunayan ng prosekyusyon na guilty beyond reasonable doubt sa kasong plunder ang dating senador kaya napawalang-sala.

Imahe mula sa Facebook account ni Ramon “Bong” Revilla, Jr.