#makeuptransformation: Paolo Ballesteros, ginaya si Miss Universe 2018 Catriona Gray at iba pa




Mga larawan mula sa Instagram account ni Paolo Ballesteros

Hindi pa rin talaga paaawat ang mga Pilipino sa “Miss Universe craze” dahil sa pagkakapanalo ng kandidata ng Pilipinas na si Catriona Gray; ang ikaapat na Pilipinang itinanghal na Miss Universe na ginanap noong Disyembre 17, 2018 sa Bangkok, Thailand.

Karaniwan mang netizen o sikat, talaga namang humahanga kay Catriona. Kahit ang mga sikat na artista at celebrities ay nagpapahayag ng kanilang pagtangi sa Miss Universe 2018. Isa na riyan ang sikat na aktor at host na si Paolo Ballesteros na kilalang-kilala sa napakahusay na “makeup transformation”.

Maraming online users ang humanga kay  Paolo Ballesteros sa panggagaya kay Catriona bilang “Cartolinang Gray” sa kanyang Instagram account.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Paolo Ballesteros

Bago pa man sumalang sa Miss Universe stage si Catriona, nauna na itong ginaya ni Paolo noong Marso 24, 2018 matapos magwagi ni Catriona bilang Binibining Pilipinas 2018.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Paolo Ballesteros

Bukod kay Catriona, ginaya rin ni Paolo ang iba pang naging kandidata ng Miss Universe 2018 tulad nina Miss South Africa, Miss Venezuela, at ang kauna–unahang transgender woman na lumahok sa Miss Universe na si Miss Spain Angela Ponce.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Paolo Ballesteros

Lubhang pinahahanga ni Paolo ang napakaraming netizens dahil kahit sinong sikat na celebrity, local man o international, ay kayang–kaya niyang gayahin. Sa katunayan, naipamalas na niya ang husay niyang ito sa kanyang mga Instagram posts gayundin sa kanyang pelikulang “Die Beautiful”  na kamakailan lamang ay nagkaroon ng sequel na “Born Beautiful.”

Namana ni Paolo ang talento sa pagpinta (hindi sa canvass kundi sa pamamagitan ng make up) sa kanyang lolong si Fernando Amorsolo, Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Biswal na Sining o Visual Arts.

Si Paolo ay isa sa mga hosts at regular na napapanood sa longest–running noontime show na “Eat Bulaga” lalo na sa segment nitong Juan for All, All for Juan kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola. Sumikat nang husto si Paolo bilang Lola Tinidora sa phenomenal segment ng EB na “Kalyeserye” na bumuo sa phenomenal love team na AlDub.

Source 1 Source 2 Source 3