Jogging moment ni Jollibee naging inspirasyon ng mga netizens

Imahe mula sa Pilipino Star Facebook account

“Health  is wealth.”

Sa pagsapit ng bagong taon kadalasang nangunguna sa ating New Year’s resolution  ang pagiging fit o pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. ‘Ika nga, kung hindi sapat ang iyong pananalapi basta’t may malusog na pangangatawan ay makararaos na tayo sa araw-araw.

Kaya naman marami rin ang naghahangad nito. Aba maging si Jollibee ay nagnanais din palang maging fit.

Nag-viral ngayon sa social media ang video ni Jollibee habang ito’y nagjo-jogging sa isang pampublikong lugar.

Ang video – na kuha sa  Baywalk Poro Point San Fernando, La Union, Philippines – ay ibinahagi ni  Ray Mals sa kanyang Facebook account noong ika-3 ng buwang kasalukuyan at may caption na: “Good Job Jollibee, kaya mo yan! Support kita!”

Sa video ay unang mapanonood ang paatras pang tumatakbo na si Jollibee bago ito tumakbo nang paharap.

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang video

Kaya naman maraming mga netizens ang na-inspire sa jogging moment na ito ni Jollibee nang ibahagi rin ito ng Pilipino Star Ngayon.

“Tignan mo siya, no pain no gain!”

“Si Jollibee oh nagjo-jogging, samahan natin!”

“Aim to be like Jollibee!”

“Hinahanap ka na as birthday party, bilisan mo naman!”

“Si jollibee kahit saan na lang ngayon, dati ang hirap hanapin. hahaha!”

“Buti pa si Jollibee nine may time mag Jogging!”

“Hanap na yan jogging niya paatras ikaw na ang magaling!”

“Mag-start na nga po ako sa January 1, 2019..maganda daw po kasing panimula ‘yun haha Unang araw daw po kasi ng taon.”

May mga netizens namang nag-aalala sa naging amoy ni Jollibee pagtapos nitong mag-jogging:

“Yung Todo Smile pa rin si Jollibee pero sa Loob amoy Mandirigma na”

“Ang bantot n’yan sa loob ! pawis e.”

Matatandaang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naging viral si Jollibee. May larawan si Jollibee na nakuhanan na dumaranas umano ito ng depresyon.

Imahe mula sa Facebook account ng BuzzPinas

Nag-viral din si Jollibee at iba pang kasama nito nang makipag-showdown sila kay McDonald’s.

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang video

Noong Nobyembre 2017 naman ay nag-trending din si Jollibee makaraang mahuli dahil wala itong suot na helmet habang nakamotor.

Imahe mula sa Facebook account ng Matalinong Matsing

Oktubre 2017 ay sumabit pa ito sa isang pampasaherong jeep.

Imahe mula sa The Club Filipino Facebook account

Source