Batang Pinay, grand champion sa singing competition sa Dubai

Imahe mula sa Facebook account ni Keira Isabelle Celiz

Hindi talaga matatawaran ang husay ng mga Pinoy pagdating sa kantahan. Hindi na kailangang isa-isahin pa kung sinu-sino ang mga kababayan natin na nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng pag-awit.

Sa Dubai, isang onse-anyos na batang Pinay ang nakasungkit ng kampeonato sa singing competition doon.

Imahe mula sa Facebook account ni Keira Isabelle Celiz

Ayon sa ulat ng Abante, kinilala ang batang Pinay singer bilang si Keira Isabelle Celiz na nag-aaral sa GEMS Founders School sa Dubai.

Nag-uwi si Keira ng premyong nagkakahalaga ng 10,000 Arab Emirates Dirham o katumbas ng mahigit P144, 400 matapos siyang tanghaling Grand Champion sa singing contest na GEMS Best of the Best 2018-Juniors Division noong nakaraang linggo.

Ginanap ang kompetisyon sa GEMS Modern Academy kung saan dinaig niya ang labing-apat na kalahok sa singing competition.

Inawit ni Keira ang “Feeling Good” na pinasikat ni Nina Simone.

Imahe mula sa Facebook page ng GEMS Wellington Academy

Kuwento ng ina ni Keira na si Bree, very proud siya sa anak dahil sa pagkakapanalo nito. Aniya, umabot sa 247 ang mag-audition sa competition, pero 15 lang ang mga napili bilang mga finalists.

Dagdag pa ni Bree, na tubong Iloilo City, hindi niya inaasahan ang pagkakapanalo ni Keira dahil napakahuhusay daw ng mga contestants na sumailalim pa sa voice lessons at training, samantalang si Keira ay sa bahay lang kumakanta.

“We felt very nervous and amazed during her performance. It felt like we are looking into a different person on stage–the way she sung as well as her stage presence. We did not really expect it because all the candidates are superb. They had proper voice lessons and training, while my daughter is only singing at home for fun,” ani Bree sa isang panayam.

Imahe mula sa TFT

Bukod sa pera, nag-uwi rin si Keira ng tropeo.

Dalawang Pinay pa ang kasali sa GEMS Best of the Best 2018 singing competition – sina Natalie Kate Atay mula sa Al Khaleej National School at Sara Esmaeili (Filipina-Emirati) mula naman sa GEMS Metropole School. Kasali sila sa seniors division ng nasabing kompetisyon.

Source 1

Source 2