“Walang order, bakit may dineliver?” Netizen nagbabala sa publiko kaugnay sa COD scam

Imahe mula sa Facebook post ni Jeshika Yan

Nagbabala ang isang netizen hinggil sa isang COD delivery scam na naranasan nila ng kanyang ina kamakailan.

Ayon kay Jeshika Yan sa kanyang Facebook post, may dumating na delivery sa kanilang bahay habang siya ay nasa trabaho at ito’y nakapangalan sa kanya at may lehitimong address. Ang kanyang ina umano ang nakatanggap nito at inakala ng nanay niya na nakalimutan lamang niya itong ibilin dahil sa pagiging busy sa trabaho.

Imahe mula sa Facebook post ni Jeshika Yan

Hindi rin umano ito naiberipika ng kanyang nanay sa kanya pagkat ang cellphone ng huli ay kanyang hiniram. Nagkataon rin kasi na ilang beses na ring nag-order online si Jeshika kaya’t walang bahid duda ang ina kung ito ba ay inorder talaga niya o hindi.

Aniya, “So ang nangyari ni received ng mama ko ang item without knowing na wala akong inorder 100% sa online and hindi ko masisisi ang mama ko kasi una wala po siyang cellphone, nasa akin po ang cp niya hiniram ko muna kasi sira na ung phone ko at laptop muna pansamantala ang gamit niya.”

Dagdag pa niya, “Halagang (1, 890) ang nareceive na item at ang nakalagay dito ay from “SHOPALLYOUWANT” na dineliver ni ” XPOST. Nawindang ako kasi wala talaga akong inoorder pero gulat ko nung makita ko yung full name at address ko pero isa lang yung pumalya, mali yung CONTACT NO ko!”

Ang nangyari ay tinanggap at binayaran ng kanyang ina ang item – sa halagang P1,890 – at huli na nang magkalinawan hinggil sa delivery na ang nilalaman pala ay isang electrothermal water bag na ayon sa ilang online users ay nagkakahalaga lamang ng P120 o P100.

“Ate 120 nga lang sa Shopee, baka 100 lang yan sa Divi.”

Imahe mula sa Facebook post

Pagpapatuloy pa ni Jeshika sa kanyang post, “Sa nabasa ko yung information ko ay nakuha nila sa ” LAZADA or SHOPPEE ” kasi yan lang ang mapapaghinalaan kong kinuhaan nila ng details ko kasi dyan tlga ako umoorder pero bihira lang hindi panay.”

Nastress si Jeshika nang mapagtanto na na-modus sila. Sa kanyang update ay ibinahagi niya na hindi na naisauli ang item pagkat fake ang contact number at address na nakalagay sa seller na “SHOPALLYOUWANT.”

Inilahad din niya na shinare niya ang naranasan nila, hindi para sisihin o pagtawanan sila, kundi upang magbigay ng babala sa lahat upang makaiwas sa modus na ito.

I-click ang imahe upang makita ang buong post ni Jeshika Yan

Bumuhos ang komento sa kanyang post at tulad nila, may iba ring nagpahayag na nabiktima rin ng ganoong modus.

“Sorry for us ako din nakatanggap nitong package na Hindi ko inorder at binayaran din nang aking alalay it is really their modus to cheat other people. Lord have mercy on them.”

“Meron nga talagang ganyan scam same nangyari SA Amin 1500 pesos cod Kaya Lang nakatawag kami SA anak ko Kung may order nga siya yon Sabi Ng anak wag entertain yon Wala siyang order xpost din nagdeliver.”

“Nkaranas din ako nyan nong nov. 18..hinatid sa haus ko order ko daw, nakpangalan sa akin pero ung cp # ay 09123456789. Tama b un ganong # ng cp? magtaka ka na agad, un binalik ko sa nagdeliver..hindi niya ako naloko…”

Umabot na sa mahigit 71,000 shares ang kanyang post. Sana lang, sa mga susunod na makaranas nito, matunugan na agad at maisuplong sa pinakamalapit na awtoridad.