Trabaho para sa libo-libong Pinoy alok ng China – Budget Sec. Diokno

Ang dalawang araw na state visit ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas ay inaasahang  magbubukas ng maraming job opportunities para sa libo-libong Pilipino.

Ayon sa ulat ng Journal, sa lingguhang Pandesal Forum na ginanap sa Quezon City nitong Lunes, ika-19 ng Nobyembre, ay isiniwalat ng kalihim ng Department of Budget and Management na si Sec. Benjamin Diokno na planong tumanggap ng mga manggagawang Pilipino ang China.

Imahe mula sa DBM

Government-to-government umano ang gagawing pagkuha ng mga manggagawa at hindi dadaan sa third party o recruitment agency kaya mas protektado umano ang mga matatanggap at makaaasa ng mas malaking sahod.

Ang pagkuha ng mga manggagawang Pilipino ay isa umano sa mga inaasahang mapagkakasunduan sa pagbisita ni President Xi Jinping sa bansa.

Imahe mula sa PCOO

Ani, Diokno, tinatayang aabot sa 10,000 ang inisyal na Pilipino ang tatanggapin sa China bilang domestic helpers para sa mga expatriates na naninirahan sa malalaking siyudad sa China gaya ng Beijing, Shanghai at Guandong

Sinabi pa ng kalihim na naghahanap din ang China ng English-language teachers mula sa Pilipinas.