SSS pensioners matatanggap na ang 13th month bonus simula sa Nobyembre 29

Image capture of video by Saksi GMA News

Magandang balita para sa mga SSS pensioners!

Para sa nalalapit na Kapaskuhan ipamamahagi na ng Social Security System ang 13th month bonus ng mga pensyonado simula sa Nobyembre 29.

Imahe mula sa e-pinoyguide

Sa ulat ng Saksi ng Kapuso Network ay masaya nilang ibinahagi na bukod sa pensyon ng Disyembre, may handog muli ang SSS na 13th month pension na ilalagak na sa accounts ng mga pensyonado simula sa Huwebes.

Ang bonus ay katumbas ng regular monthly pension ng pensyonado na depende sa kontribusyon. Maaaring makatanggap mula P2,000 hanggang P21,000 at ito’y dadaang muli sa mga partner-banks ng ahensya.

Ito’y malaking tulong na rin para sa mga pangangailangan ng pensioners at pandagdag sa gastusin sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ayon sa ilang nakausap ng Saksi.

Naglaan ang SSS ng P22 billion para sa 13th month bonus ng 2.4 million pensioners.

Bagama’t maituturing na financially stable pa rin ang SSS, ayon sa kanila ay nahihirapang umagapay ang ahensya kaugnay sa P1,000 increase sa monthly pensions na sinimulan noong Enero ng taong kasalukuyan.

Anila, mula Enero hanggang Setyembre 2018 ay nagbigay ang ahensya ng P134 billyon sa mga pensioners sa kabila ng natanggap lamang na P127 bilyon mula sa mga kontribusyon ng mga miyembro; na nangangahulugan ng P7 bilyon na kakulangan.

Image capture of video by Saksi GMA News