Sharon, Richard at Kathryn: Trailer ng Kanilang “Three Words to Forever” Humakot ng Interes

Family is “forever” nga ba?

Tila ito ang tema ng pinakabagong pelikula na pinagsasamahan nina Mega Star Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo.

Ang “Three Words to Forever” na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina ay mula sa produksyon ng Star Cinema at kinunan sa Ormoc, Leyte.

Sa storycon na ginanap noong Agosto ay  masayang ipinahayag ni Cuneta na ang naturang pelikula ay masasabing ika-30 na anibersaryo ng kanilang team-up o love team ng aktor na 52-anyos na ngayon.

Matatandaan na ang kanilang loveteam ng ilang dekada ay pinayabong ng mga pelikula na naging blockbuster hits tulad ng “Kahit Wala Ka Na” 1989 (Direk Emmanuel H. Borlaza), “Ngayon at Kailanman” 1992 (Direk Joel Lamangan),  “Kapantay ay Langit” 1994 (Direk Joel Lamangan), “Minsan Minahal Kita”  (Direk Olivia lamasan), at “Walang Kapalit” 2003 (Direk Joel Lamangan).

Ayon kay Gomez, ang “Three Words to Forever”  ay isang istorya tungkol sa pamilya: “It’s a story about family. It’s a story of three generations, three families, three marriages.”

Imahe mula sa Star Cinema

Naging exciting naman para sa Mega Star ang kanilang bagong pelikula pagkat: “It adds another 100% to the excitement because it’s my first time to be working with Kathryn. And another 100% because one of my favorite directors and one of my best friends is directing us.”

Kabilang sa cast sina Freddie Webb at Liza Lorena, Joross Gamboa, Tommy Esguerra, , Marnie Lapus, at Tobie Dela Cruz.

Samantala, ang trailer na ibinahagi ng Star Cinema sa kanilang Facebook page ay humakot na ng 890K views at mahigit 18,200 shares, as of posting. At sa mga komento pa lamang ay bumuhos na ang kasabikan mula sa mga netizens na malugod namang tinutugunan ng Star Cinema admin ng page.

I-click ang imahe upang mapanood ang trailer

“The trailer is kinda interesting!!! I’m excited to watch it!!”

“It’s about family struggles… marami na naman tayo matutunan dito…naiiyak ako miss ko na pamilya ko..”

“OMG….I’m sure all of us can relate to this movie. So don’t miss it. Save the date.”

“We need a new family movie that will teach us many lessons, + this is a Sharon-Richard and Kathryn movie so this will be a good movie, they are such a good actors and the fact that it is CGM Movie, we all know that the acting will be on another level.”

Sa Nobyember 28, 2018, Miyerkules, ay mapapanood na ito sa mga sinehan. Sa ngayon, sa trailer muna tayo.