Pilipinas magiging perpektong lugar na walang krimen sa 2030 – Time traveler

Isang diumano’y time traveler mula sa future ang bumalik sa kasalukuyan upang ipahayag ang mga magagandang bagay na nasaksihan niya sa Pilipinas sa taong 2030.

Ang time traveler na itinago sa pangalang Noah ay humarap sa ApexTV, isang YouTube channel para sa mga istoryang kakatwa at paranormal, at sinabi nito ang mga magagandang bagay na magaganap sa Pilipinas sa hinaharap, partikular na sa taong 2030.

Imahe kuha sa video ng ApexTV

Una, sinabi ni Noah na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay magbubuklod upang maging isang malaking bansa at ang Pilipinas ang magiging luklukan ng kapangyarihan.

Diumano, ang Pilipinas ay magiging isang estado lamang sa mabubuong malaking bansa na ang pangalan ay hindi inihayag ni Noah. Layunin umano ng nasabing malaking bansa na pagbuklurin ang lahat ng nasyon sa buong daigdig at gawing isang global community.

Sa isang halos hindi raw kapani-paniwalang transpormasyon, ang Pilipinas ay gumawa umano ng napakalaking kapasyahan na tuluyan nang alisin ang korapsyon at lahat ng uri ng krimen. Magiging isang “giant utopia” umano ang Pilipinas sa taong 2030.

[Ang Utopia ay isang kathang-isip na lugar kung saan ang lahat ng bagay ay perpekto]

Imahe kuha sa video ng ApexTV

Sa taong 2030, sinimulan umano ng Pilipinas ang paglalagay ng “brain chips” kung saan makikita ang lahat ng impormasyon tungkol sa taong kinabitan niyon.

Ayon pa kay Noah, na pumasa raw sa lie detector test, ang lahat ng mga sinabi niya ay hindi lang basta prediksyon kundi mga propesiya na tunay na magaganap sa hinaharap.