No Paper, No Problem: Leaf art ng isang aspiring artist Mom naghatid ng inspirasyon

Imahe mula sa Facebook post ni Jessa Mariè Toring-Casiano

Kung dumaan ang larawang ito sa iyong newsfeed, huwag nang magtaka. Marami kasi ang nagbahagi nito sa kanilang Facebook accounts.

Nitong Nob. 22, ayon sa nag-upload ng larawan sa dahon ni Hesukristo na si Jessa Mariè Toring-Casiano sa kanyang social media post:

“No paper, no problem. Naa daghan dahon.
first time carving on a leaf, na inspired ko’s nakit-an nakos newsfeed gahapon.”

Imahe mula sa Facebook post ni Jessa Mariè Toring-Casiano

Sumakto ang kanyang artwork sa pagdiriwang ng Christ the King nitong Nobyembre 25. Higit na lumutang ang ganda ng kanyang nalikha nang ito’y itapat niya sa bughaw na langit saka kinunan ng larawan; “symbolic”, ‘ika nga.

Ang netizen na taga Bogo City, Cebu ay nakahugot umano ng inspirasyon mula sa leaf art na nakita niya sa kanyang newsfeed sa Facebook.

Aniya sa Move.PH, “Naisip ko rin subukan and ‘yun nga pinakaunang sumagi sa isip ko is yung face ni Jesus ang i-carve ko as subject lalo na at ise-celebrate ang pagkahari niya.”

Ang ginang ay isang aspiring artist at sa album ng kanyang mga nalikha, sinabi niyang: “Pls. Don’t judge me. I’m still on my way on getting better.”

May maganda rin siyang mensahe para sa mga kagaya niya na nagsisikap na pag-igihan pa ang kanyang passion sa pagguhit.

I-click ang imahe upang makita ang album

Aniya, “I realized nga you shouldn’t be ashamed of doing the things you love. I dedicate this to someone out there nga pareha na ko sa una, to get out of your shell, DO NOT BE AFRAID. Maybe someone is better than you but that doesn’t mean nga you aren’t good. Remember nga there is always a room for improvement and keep working on it. Ingun bitaw sila practice makes perfect but nobody’s perfect, pero PRACTICE MAKES YOU BETTER.”

Bumuhos ang paghanga at suporta ng kanyang mga kaibigan at kaanak sa kanyang post; gayundin mula sa mga istranghero na na-inspire sa kanyang leaf art. Sana nga lang ay i-credit naman ng ibang gumamit ng kanyang larawan sa kanya ang leaf art na ito.

Bilang tugon, nagpahayag din ng pasasalamat ang ginang sa mga na-touch ng kanyang post na mayroon nang halos 16,000 shares.

Imahe mula sa Facebook post ni Jessa Mariè Toring-Casiano

Keep it up, Ms. Jessa!