Korean language ituturo sa 10 public high schools sa Metro Manila

Ang Korean language ay sisimulan nang ituro sa sampung piling pampublikong paaralan sa Metro Manila.

Sa isang Twitter post nitong Huwebes, ika-15 ng Nobyembre, tinukoy ng DZBB ang 10 public schools kung saan ituturo ang banyagang wika.

  • Las Piñas National High School
  • Jose Abad Santos High School
  • Kalayaan High School
  • Pasay City National Science High School
  • San Bartolome High School

Kasali rin sa listahan ang mga sumusunod:

  • North Fairview High School
  • Maligaya High School
  • Judge Feliciano Belmonte Sr. High School
  • Lagro High School
  • Makati High School
Imahe mula sa Twitter page ng DZBB

Mga estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 12 umano ang tuturuan ng nasabing lengguwahe.

Ayon sa focal person ng DepEd para sa Special Program in Foreign Language-Korean Language na si Patricia Santos, walo pang public high schools na magmumula naman sa Region IV ang magkakaroon din ng Korean Language course.

Imahe mula sa DepEd

Sinabi ni Santos na hindi pa maipatutupad ang pagtuturo ng Korean language sa 8 public high school sa nasabing rehiyon dahil ang mga guro doon ay kasalukuyan pang sumasailalim sa pagsasanay.

Binigyang-diin ni Santos na walang kinalaman ang pagtuturo ng Korean language sa public schools sa desisyon ng Korte Suprema na alisin bilang core subjects sa kolehiyo ang Filipino, Panitikan at Constitution.

“No relation, definitely…That would be unfair,” sabi ni Santos.