In Photos: Pagdiriwang ng Unang Kaarawan ni Talitha Luna-Sotto

IMages via Nice Print Photography's Facebook page

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang unang kaarawan ni Baby Talitha na siyang unang supling ng celebrity couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Imahe mula sa Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook page

Si Talitha Luna-Sotto ay isinilang noong Nobyembre 6 ng nakaraang taon at ang magarbong pagdiriwang ay ginanap noong Linggo, Nobyembre 11, sa Sta. Elena Golf & Country Estate sa Santa Rosa, Laguna.

Imahe mula sa Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook page

Ito’y dinaluhan ng maraming kapamilya, katrabaho at mga kaibigan ng mag-asawa.

May temang amusement park boardwalk ang birthday party ni Baby Talitha, at sa mga magagandang larawan na ibinahagi ng  Nice Print Photography & Exige Weddings sa kanilang Facebook page ay makikita ang sari-saring food carts at entertainment segments.

Na-capture ng Nice Print ang umaapaw na saya sa espesyal na okasyon.

I-click ang imahe upang makita lahat ng larawan sa Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook page

Siyempre, hindi mawawala ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na kasama ang kanilang apat na anak.

Imahe mula sa Instagram post ni @khsotto

Sa kanyang Instagram account naman ay nagbahagi si Pauleen ng isang video ng okasyon. Aniya sa kanyang post: “Here’s a short clip of Tali’s 1st birthday party covered by @niceprintphoto  Thank you Nice Print for always being there to capture our special occassions! We love you!”

Iclick ang imahe upang mapanood ang video

Nauna nang ipinagdiwang ng mag-asawa ang kaarawan ni Baby Tali at Pauleen (Nob. 10) sa Amanpulo, Palawan bilang pre-birthday treat.

Ang celebrity couple ay ikinasal noong Enero 30, 2016, at sa pagdating ni Baby Tali sa kanyang buhay, inihayag ni Pauleen ang kanyang pasasalamat at pagmamahal para sa supling.

Aniya sa kanyang IG post, “My dearest Talitha, Not so long ago, I knew in my mind and in my heart that I wanted to be a mother. Thank you anak, for making my dream come true.”