Youth oriented movie na “Walwal” malapit nang mapanood




Imahe mula sa News5

“Walwal.”

Isang usong salita ngayon na ang ibig sabihin ay “wala.” Puwede rin itong ipakahulugan bilang tamad o ‘yung walang magawa. Sa mga millennials naman, ang ibig sabihin nito ay “chill” o “cool” lang.

Ang “Walwal” ay pamagat din ng isang youth oriented movie tungkol sa barkadahan.

Kamakailan lang ay nagsagawa ng grand presscon ang Regal Entertainment para sa nasabing pelikula, kung saan ipinakilala ang mga artistang bumida roon na sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan. Ang mga kapareha nila ay sina Kisses Delavin, Jane De Leon, Sofia Senoron at Devon Seron.

Jerome Ponce, Kiko Estrada, Elmo Magalona at Donny Pangilinan Imahe mula sa video ng ABS-CBN

 Ang pelikula ay umiikot sa istorya ng apat na lalaking magkakaibigan sa kolehiyo. Gumanap si Elmo bilang si Dondi na isang good boy at lawyer-wanna be. Si Kiko Estrada naman ay si Marco na isang playboy. Si Jerome Ponce ay gumanap bilang si Intoy na isang athletic scholar at si Donny Pangilinan bilang si Bobby na isang aspiring film maker at ang kenkoy sa grupo.

Si Jose Javier Reyes ang nagdirihe ng pelikula. Ipapalabas na ito sa ika-27 ng Hunyo.

Ayon sa ABS-CBN, sinabi umano ni Direk Joey na ang “Walwal” ang updated version ng kanyang 1990’s movie na “Pare Ko.”

Narito ang official trailer ng “Walwal:”