[Video] ‘Santino’ child star Zaijian, nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig




Mga imahe mula sa YouTube account ng ABS-CBN Entertainment at Instagram account ni Zaijian Jaranilla

Binatang-binata na ang dating child wonder na si Zaijian Jaranilla, na mas kilala sa tawag na “Santino” dahil sa ginampanan niyang papel sa 2009 television series na May Bukas Pa. Dahil dito, madalas nang naitatanong sa kanya kung ano ang estado ng kanyang puso.

Sa Fast Talk segment sa Tonight With Boy Abunda,┬ánaitanong kay Jaranilla kung ano ang “bravest thing” na nagawa niya sa buong buhay niya.

“Mag-move on,” matapat na sagot ng young actor at active computer games player.

Imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Aniya, isang beses sa buhay niya ay naranasan na niyang magmahal at nasaktan na rin siya dahil sa isang babae.

Inusisa ni Abunda kung ang tinutukoy ba niya ay isang ex-girlfriend. Dito ay nilinaw ni Jaranilla na hindi niya kailanman naging kasintahan ang babaeng kanyang inibig.

Samantala, nilinaw na rin ni Jaranilla na hindi niya naging kasintahan ang teen actress na si Alyana Angeles at sa katunayan ay “kuya” ang tawag nito sa kanya.

Imahe mula sa Instagram account ni @zaigj

Narito ang video mula sa episode ng Tonight With Boy Abunda kamakailan:

Source :

YouTube, YouTube