Vice Ganda, nagsalita sa ‘tandem’ nina Coco Martin at Vic Sotto sa MMFF




Image via Instagram account of praybeytbenjamin, mr.cocomartin and bossingvicsotto

Binasag ng Showtime host at comedian na si Vice Ganda ang kanyang katahimikan sa napababalitang tambalan nina Coco Martin at Vic Sotto sa isang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Inamin ng komedyante na alam niya ang tungkol sa tambalan nina Vic at Coco sa MMFF.

Ani Vice: “I am fully aware of that.

Yung bibili ka sana ng yelo kaso sarado!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Dagdag pa niya: “Wala namang taong hindi mahigpit ang labanan kasi lahat nagtratrabaho nang husto para makapagbigay ng magandang material sa mga taong manonood.”

Kuwento pa ni Vice, noon pa balak ni Coco na gumawa ng pelikula kasama ang Eat Bulaga host na si Vic.

Image via Instagram account of teamviceandcoco

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Vice na may film entry siya sa MMFF, ayon sa ulat ng Bandila.

Aniya: “Ang ganda ng concept ko ngayon. Nung nagmi-meeting kami sa Star Cinema, tawa na kami nang tawa.”

Pagpapatuloy pa niya: “‘Yung konsepto ng Star Cinema saka ‘yung konsepto ko nagbangga, nabuo siya.”

Sa inisyal na ulat ng PEP, hindi exclusive ang contract ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco sa Star Cinema at Kapamilya network kung kaya’t malaya siyang makipagsosyo sa ibang movie producer at gumawa ng pelikula kasama si Vic.

Nagbigay naman ng suggestion ang “Cabinet Files” na sina Maricel Soriano at Maine Mendoza ang kunin nina Vic at Coco bilang mga leading ladies sa kanilang MMFF film.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa Bandila:

I-click ang imahe upang mapanood ang video mula sa ABS-CBN