Throwback: Mga larawan mula sa debut ni Optimum Star Claudine Barretto




Mga imahe mula sa Instagram account na @ricoyanclaudine

Ibinahagi ng isang fan page ang mga larawan mula sa 18th birthday celebration ng Optimum Star na si Claudine Barretto.

Sa Instagram, ibinahagi ng page na @ricoyanclaudine ang dalawang litrato mula sa debut ni Claudine.

“@claubarretto 18th birthday #claudinebarretto #ricoyan,” saad sa caption ng mga larawan.

Imahe mula sa Instagram account na @ricoyanclaudine

Makikita sa mga larawan na masayang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan kasama ang late actor na si Rico Yan, na kanyang dating ka-love team at ex-boyfriend.

“Sila na po ba ni Rico no’ng 18th birthday niya?” tanong ng Instagram user na si @cmll_lv.

“Sa pagkakaalam ko sila na no’ng 18th birthday ni Ate Clau,” tugon ng isa pang user na si @jozellynedejer.

“I miss them so much,” saad pa ni @jozellynedejer.

I-click ang imahe para makita ang buong post.

Hanggang ngayon, kahit halos dalawang dekada nang wala ang aktor, ay marami pa rin sumusuporta sa tambalan ng dating magkasintahan.

Samantala, sa isang recent interview, inamin ni Claudine na hanggang sa ngayon ay palagi pa rin niyang dala-dala sa puso niya ang bigat na dulot ng pagkawala ni Rico.

“Hanggang ngayon dala-dala ko because I never really grieved. I just really kept on working and working. I wanted to tire myself para pag-uwi ko tulog na lang, hindi ko na maisip iyong pagkamatay ng boyfriend ko, ng ex-boyfriend ko. Ang gusto ko lang mapagod. Hindi pa talaga ako nakapag-rest para umiyak. Up to this day,” pagbabahagi niya.

“I tried to leave iyong part ng kay Rico behind when I got married kasi siyempre I had to focus on my husband and my children, but it was always there. Pagka-birthday, nandiyan na naman ako. And kahit papaano naman, naging supportive ‘yong ex-husband ko,” dagdag pa ng aktres.

Mag-throwback muna tayo: