Throwback! Hero Angeles at Joross Gamboa, ginunita ang panahon ng Star Circle Quest Season 1




Mga larawan mula sa Instagram account ni Joross Gamboa

Marami sa mga sikat na artista ngayon sa industriya ng showbiz ang nagsimula sa pagiging contestant ng mga reality shows. Isa na riyan sina Hero Angeles at Joross Gamboa.

Sa anibersaryo ng artista search ng ABS-CBN Kapamilya Network na Star Circle Quest Season 1 makalipas ang halos 15 taon, ginunita nina Hero at Joross ang kanilang journey bilang questors, kabilang ang teens at kids edition batay sa kanyang throwback photo sa kanyang Instagram account.

Binanggit ni Joross ang tatlong hurado nito na sina Gloria Diaz, Boy Abunda, at Direk Lauren Dyogi at ang anibersaryo nito.

Almost 15yrs ago Nagkaroon ang ABS-CBN ng first Artista search Reality Show. At may 2 category ito teens at kids. May 3 hurado ito sina @its.gloriadiaz (Ms. Gloria Diaz), @boyabunda (Sir Boy Abunda) at @direklauren (Direk Lauren Dyogi). “Star Circle Quest” ang tawag sa palabas na ito. Today ang Anniversary dahil today naganap ang grand finals ng show na ito. Today kami nagsimula bilang artista from contestants or (questors).

Inalala rin ni Joross ang mga palabas na ginawa nila matapos ang SCQ: ang SCQ Reload at ASAP Fanatics. Sinabi rin ni Joross na naging bahagi rin ng kanilang tv show sina Sarah Geronimo at Japoy na isang sikat na atleta. Nabanggit din ni Joross ang itinanghal na grand questor ng SCQ Kids na si Nash Aguas at ang kapareha nitong si Sharlene San Pedro na pawang malalaki na ngayon. Nanawagan si Joross na sana ay magkaroon ng reunion movie ang mga questors.

Nagkaroon kami ng palabas SCQ reload at trivia lang alam niyo bang naging part din si Sarah Geronimo at Japoy sa show na ito? Ito ang mga panahon na may Asap Fanatics pa, may K-text pa, baby pa ng Jorox si @zackwey (Nash Aguas) at @sharlenesanpedro1 (Sharlene San Pedro) at kasama pa namin sa BNY si @msmikyllaldr (Mikylla) at @migueltanfelix_ (MiguelTan Felix). Hayyy… nagmumuka na kaming matanda dahil sa mga bata na ito. 🤦🏻‍♂️ With that in mind naisip ko lang dahil nagsusulat nako ng pelikula at nagdidirek, bakit di ako gumawa ng reunion movie para sa 15yrs Anniversary ng SCQ? What do you think?

I-click ang larawan upang mabasa ang buong post

15 taon man ang lumipas, aktibo pa rin sa showbiz ang ilan sa mga naging questors nito tulad nina Joross Gamboa, Hero Angeles, Michelle Madrigal, Neri Naig, at si Sandara Park na Korean Pop Star. Lumipat naman sa GMA Kapuso Network si Jason Abalos.

Tinatamasa naman ng ibang mga naging questors ang pribadong buhay matapos magkaasawa at magkaanak tulad nina Roxanne Guinoo at Melissa Ricks.

Aktibo pa rin hanggang ngayon ang SCQ Kids questors na sina Nash Aguas, Mikylla Ramirez, at Sharlene San Pedro.

Ang SCQ magic circle of 5 noong season 1  ay kinabibilangan nina Hero Angeles, Sandara Park, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, at Melissa Ricks. Si Hero Angeles ang itinanghal na SCQ season 1 grand questor. Ang aktres naman na si Erich Gonzales ang SCQ season 2 grand questor.

Maging si Hero Angeles na grand questor ay nagpahayag din ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang kasiyahang dulot ng pagkakapanalo sa SCQ season 1 at ang mga natutuhan niya hinggil dito.

I-click ang larawan upang makita ang buong post