‘Sequel’ ng pelikulang “Four Sisters and a Wedding” na ginawa ng isang netizen, kinagiliwan sa social media




Mga larawan mula sa facebook account ni Phillip Te Hernandez

Natatandaan mo ba ang kauna-unahang pelikulang pinagsamahan nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Angel Locsin bilang magkakapatid?

Ang pamagat ng pelikulang iyan ay Four Sisters and A Wedding na idinirehe ni Garcia-Molina sa ilalim ng Star Cinema noong 2013.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Enchong Dee na gumanap bilang nakababatang kapatid na lalaki, si Coney Reyes na gumanap bilang kanilang ina, si Sam Milby na gumanap na boyfriend ng karakter ni Bea, at si Angeline Quinto na gumanap na babaeng pakakasalan ng karakter ni Enchong.

Sa kuwento, nakatakdang magpakasal si CJ (Enchong) sa kasintahang si  Princess (Angeline Quinto) na unica hija ng mayamang pamilya ng mga Bayag. Dahil dito, umuwi ng Pilipinas ang New Yorker na si Bobbie (Bea Alonzo) at ang panganay na si Teddie (Toni Gonzaga) na namamasukan bilang katulong sa Barcelona, subalit ang alam ng kanyang pamilya ay kumukuha ng MBA sa pagkaguro. Muli silang nagkita-kita ng kanilang mga kapatid na nasa Pilipinas na sina Alex (Angel Locsin) na namumuhay mag-isa at nagtatrabaho sa mundo ng paggawa ng pelikula, at si Gabbie (Shaina Magdayao) na nakapisan sa kanilang ina at nagtatrabaho bilang guro.

Nagkasundo ang apat na magkakapatid na gumawa ng paraan upang paghiwalayin sina CJ at Princess upang hindi matuloy ang kasal dahil matapobre ang mga magulang nito. Sa huli, nagkalabasan ng sama ng loob ang magkakapatid at naisaayos din naman ito.

Isang netizen naman na nagngangalang Philip Te Hernandez ang gumawa ng “sequel” nito sa kanyang Facebook account na talaga namang kinagiliwan ng mga netizen sa social media. Itinuloy niya ang kuwento matapos ang komprontasyon ng apat sa kanilang pamilya sa pagwawakas ng pelikula.

What ever happened to the Salazar family years after the confrontation?

Mga larawan mula sa Facebook account ni Phillip Te Hernandez

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »