Sanya sa kapatid na si Jak: Kung may ituturing akong best friend, ikaw ‘yon, Kuya

Imahe mula sa Instagram account ni Sanya Lopez

Marami na naman ang naantig sa post ng aktres na si Sanya Lopez tungkol sa kanyang kuya na si Jak Roberto.

Sa Instagram, ginunita ni Sanya ang mga sandali kung kailan ipinadama sa kanya ni Jak na hindi lamang ito isang nakatatandang kapatid kung hindi isa ring tunay na kaibigan. Aniya, kung may matatawag siyang matalik na kaibigan, ito ay ang kanyang kuya.

“Sinuportahan mo ako sa lahat ng gusto ko. Alam mo lahat ng mga pagkakamali ko sa buhay. Magkasama at magkasundo tayo sa maraming bagay. Kaya kung may ituring man ako na best friend, sigurado akong ikaw talaga ‘yon, Kuya. Wala kang choice!” saad niya sa caption ng larawan nila.

“Anuman ang mangyari, walang magbabago sa mga ‘bida-bida’ nating pinagsamahan. Love you,” dagdag pa ng Encantadia star.

Imahe mula sa Instagram account ni @sanyalopez

Marami ang nag-iwan ng komento sa nasabing post.

“Sweet naman ng magkapatid. Suwerte ni Ate Sanya kay Kuya Jak. God bless both of you po,” ani @azodnemeahm.

“Ang sweet talaga nitong magkapatid na ‘to! Kaya idol ko kayong dalawa,” wika ni @kuys_nins.

“Kaya you’re both blessed kasi mababait kayo. Continue it. Love you both,” sabi ni @odnanerfamme.

“‘Yan ang tunay sa matatag na pagsasamahan,” kumento ni @_itstim18.

Noon pa man ay kinagigiliwan na ng marami ang samahan ng magkapatid.

Source :

Instagram