‘Sana kayo na lang ulit’: Dating magkasintahang Zanjoe at Bea, pinakilig ang fans




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo

Kilig na kilig ang mga fan ng dating magkasintahan na sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo nang malamang magkasama ito sa isang gathering kamakailan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Marudo ang isang group photo kung saan naroon sila pareho ng kanyang dating girlfriend.

Imahe mula sa Instagram account ni Zanjoe Marudo

“Thank you for everything, @dianepj31 and @maquieraquiza. See you around!” saad niya sa caption ng larawan, na nilakipan niya ng hashtag na #Monchters.

Marami ang nagpahayag ng kilig at tuwa sa comments section ng post.

“BEA AND ZANJOE! Iyong heart koooooo!” ani @shenggaiii.

“Omgggg! Sooo kilig seeing Bea and Zanjoe together!” wika ni @mitchymitss.

“Hopia [Umaasa] ako,” saad ni @iamrhiadeclaro.

“OMYGHAD! BEA & ZANJOE! HAHAHA KILIG!” all caps na kumento ni @nosinosibalasi.

Marami rin ang gumamit ng linya ni Alonzo sa iconic film nila ni John Lloyd Cruz na One More Chance. Sa halip na “sana ako na lang ulit” ay “sana kayo na lang ulit”.

Ang iba naman, hiniling na sana ay magkaroon ng pelikula ang dalawa.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Ang gathering, kung saan nakuhanan ang mga larawang ibinahagi ng aktor, ay bonding time ng mga aktorĀ  na hawak ngĀ  Star Magic handler na si Monch Navales (kaya #Monchters) at road managers na sina Diane Juntado at Maquie Raquiza.

Dalawang taon na rin simula noong nakumpirma ang hiwalayan ng dalawang Kapamilya stars. Sa kasalukuyan, magkaibigan na muli sila.