Pele sa unang pagkarga sa baby sister na si Vika: Mabuhay! Uwi na po kami!




Mga imahe mula sa Instagram account ni @mariajolina_ig

Kuya na talaga si Pele.

Sa unang pagkakataon ay nakarga ng panganay na anak nina Queen of Pinoy Pop Culture Jolina Magdangal at Rivermaya vocalist Mark Escueta ang nakababatang kapatid nito na si Baby Vika.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jolina ang isang larawan kung saan buhat ng paslit ang bagong silang pa lamang na sanggol.

“First time na mabuhat ni Pele si Vika, at ang sabi ni Vika ‘Mabuhay! Uwi na po kami!’ (timing pag bilang ko ng 1,2,3 tumaas ‘yung arm ni Vika!),” saad ng aktres sa post niya noong Sabado, Hunyo 2.

Matatandaan na bago manganak si Jolina ay nagpaturo sa kanya na kumarga ng bata ang kanyang panganay.

“Nag-breastfeeding seminar kami ni Mark para ma-refresh ako sa pag-breastfeed. May mga bago na rin naituro. Nagtataka ako kay Pele, ayaw tigilan ‘yung doll. Lumapit s’ya sa amin at sabi n’ya, ‘Mama, practice ako, pretend na this is baby Vika. Tama ba?’ Natuwa ako, mukhang ready na siya maging kuya,” kuwento niya.

I-click ang imahe para makita ang buong post.

Samantala, ibinalita rin ni Jolina na na-discharge na sila mula sa ospital.

“Discharge na kami today! Simula na ng totoong bagong chapter ng aming buhay pamilya. Ang saya!” aniya.

I-click ang imahe para makita ang buong post.