Open letter ng isang OFW para kay Kris Aquino, usap-usapan




Mga larawan mula sa Facebook account ni John Smith Medina

Nagsanga-sanga sa iba’t ibang isyu ang ginawang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang babaeng OFW sa kanyang pagdalaw sa Seoul, South Korea na umani rin ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga tao.

Isa na rito ang sigalot sa pagitan nina Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at si Queen of All Media at dating Presidential Daughter Kris Aquino.

Nag-ugat ito sa inilabas na video ni Uson kung saan makikitang hinalikan ng dalawang babae ang dating senador at ama nitong si Ninoy Aquino, asawa ng dating pangulong si Corazon Aquino. Umalma si Kris at hinamon si Uson na siya na lamang ang pagbuntunan dahil siya ang buhay at huwag yurakan ang alaala ng kanyang mga magulang na itinuturing umano ng ilan bilang Ama at Ina ng Demokrasya.

Imahe mula sa Twittert page ng MSN

Subalit ito ay tinutulan naman ng isang netizen na nagngangalang Joe Smith Medina sa pamamagitan ng kanyang open letter para kay Kris na naka-post sa kanyang Facebook account.

Si Medina ay isang Overseas Filipino Worker o OFW na nakabase sa Thailand.

Ayon kay Medina, pinanood niya ang parehong videos nina Mocha at Kris, at wala siyang planong kampihan ang dalawa. Nilinaw niya na ang demokrasya ay pag-aari ng bawat Pilipino at hindi dapat inaangkin ng isang tao, grupo ng mga tao, o maging ng isang pamilya o angkan. Pinakiusapan ng netizen si Kris na itigil na ang “pagpapamukha” sa mga tao na utang na loob kina Ninoy at Cory ang pagtatamo ng demoksrasya sa bansa, matapos ang pamamayani ng Batas-Militar noong dekada ’70. Ang dapat na bida raw ay ang kanilang mga magulang na lumaban mismo sa EDSA.

I tried to post @ IG of Kris Aquino but they continue to delete my post.
Anyway, To Ms Kris Aquino, I have watched and weighed also the videos between you and Mocha Uson. I also dont support both of you. I don’t have any plan of voting of her but I will write na lang as observer. I felt insulted for you many times dahil ninakaw ng pamilya mo ang pag akin ng demokrasya. Ang demokrasya ay hindi monopolyo ng iisang pamilya lamang. Hindi dahil kanino man. Hindi dahil sa mga magulang mo, nirerespeto namin sila pero paki respeto din ng mahabang dekada na pagpapamukha mo na sa kanila namin dapat ipasalamat ang demokrasya ngayon. Ang demokrasya ay pag aari ng bawat Pilipino. Ang bida ay ang aming mga magulang na pinaglaban ang demokrasya noong Edsa ngunit ginamit ng iyong pamilya para maupo at tumagal at kontrolin ang ating bansa na ngayon ay naghihirap dahil sa polisyang ginagamit ay popularidad.

Nabanggit din ng netizen ang magagandang bagay na nagawa ng pamilya Marcos habang sila ay nanunungkulan, subalit hindi raw “ipinamumukha” ng mga anak nito, tulad na lamang ni Governor Imee Marcos.

Pero habang tumatanda pala kaming mga batang 80’s ay makakarealize na mas mabuti pa pala ang Marcoses na nakapag patayo ng PICC, Heart Center, Lung Center, LRT MRT, skyway, PNR, Airports pero hindi sa amin sinusupalpal araw araw na sa kanila dapat ibigay ang recognition. Kapag may sakit ang ordinaryong mamamayan pupunta sa Heart Center na gawa nu Imelda Marcos pero ni Minsaan hindi pinamumukha sa amin ni Imee na dapat sila ay pasalamatan, kapag ikaw ay natratrafic at gagamitin ang skyway, wala sino man ang nagpapamukha sayo na ginawa ni Marcos yan, pero bakit kapag aang pamilya mo ang nasasaktan araw araw naman dala dala ang krus at pagsasampal sa mukha namain at kargo namin ang utang na loob na Aquino ay dapat pasalamatan.

Pinakiusapan din ng netizen na huwag si Mocha ang harapin ni Kris kundi ang mga Pilipino na umano’y naging dahilan upang maibalik ang demokrasya sa bansa at hindi ang pamilya Aquino.

Harapin mo wag si Mocha Uson kundi kaming bawat Pilipino na inuunsulto mo araw araw na kayo ang bida… pero ngayon hindi na kami Bulag…. Tanuningin mo ngayon kaming nagpangamit sa pamilya mo ng napakahabang panahon , mas sinasabi namin na Buti pa si Marcos ni isang pagpapamukha wala kami narinig sa kanila…. Tama na sobra na Kris Aquino at mga Aquino… Pilipino ang may ari ng Demokrasya at walang sino mang Pamilya ang may Karapatan na umagaw…. nanahimik kami mga Pilipino at kapag nababash ang Pamilya mo ng iilang tao ipapamukha mo sa amin na utang na loob namin sa inyo ang demokrasya… tama na!!!!

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag si Kris Aquino sa naturang open letter ng netizen.

Narito ang open letter ng naturang netizen bilang isang Facebook post:

I-click ang larawan upang makita ang buong post