Ogie Diaz may makabuluhang payo kay Mocha: ‘Ayaw mo bang iangat ang iyong pagkababae?’




Image capture from Ogie Diaz Facebook/ Mocha Uson Instagram Account

Nagbigay ng makabuluhang payo si Ogie Diaz kay Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson kaugnay sa pagkokompara ni Uson sa kissing incident ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea at dating  Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Nitong mga nakalipas na araw ay naging usap-usapan ang pagbabahagi sa Facebook ni Uson ng dalawang video nina Duterte at Aquino kung saan parehong may insidente ng paghalik upang depensahan ang Pangulo sa ginawa nito.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Mocha Uson

Sa Facebook post ni Diaz nitong Hunyo 4, sinabi nitong ‘wag i-justify ang paghalik ni Duterte dahil ninakawan naman umano ng halik si Aquino ng dalawang babae bago ito bumaba ng eroplano.

Ani Diaz, iginagalang niya ang opinyon ni Uson ngunit ‘wag naman daw sanang palabasin na ang naglalagay ng malisya sa paghalik ni Duterte ay mga ‘Dilawan.’

“Konting lawak ng utak, ate. Wag mong isiping yung mga nagalit o nag-react sa ginawa ng ating Pangulo ay mga “Dilawan.”

“Hindi ito ang malala. Mas may malala pa noon sa mga pronouncement ng Pangulo patungkol sa babae, pero kung ako ang tatanungin mo, sanay na ako sa Pangulo, kuha ko na yon.

“Pero sana, isaksak mo rin sa utak mo na hindi lahat ng nagrereklamo kay Pangulo ay Dilawan.

“Ayaw mo bang iangat ang pagkababae mo? Ayaw mo bang pairalin ang pagrespeto ng mga lalake sa mga kababaihan, lalo na’t isa ka ring babae?

Ginunita rin ni Diaz ang mga madreng naging bahagi ng Edsa I na hindi rin iginalang umano ni Uson.

“Pero isipin mo din, paano pa maipagtatanggol ni Ninoy ang sarili niya sa akusasyon mo kung sino ang mas malala sa kanila ni Pangulo pagdating sa babae kung ***** na yung tao?

“Anong gusto mong patunayan habang pinapasweldo ka ng taumbayan? Kahit nga ang Pangulo, kaya na niyang depensahan ang sarili niya.

“Paano kung mag-sorry ang Pangulo sa inasal niya? Deadma ka na? O Mariringgan ka na naman namin ng, “Ayan, nag-sorry na ang Pangulo”?

“Kaya wag na ikaw, Mocha. Wag na ikaw, please. Dahil babae ka at ayokong bastusin ka ng mga kalalakihan, wag na ikaw ang mag-justify sa naging behavior ng Pangulo. Lalong wag mo nang buhayin yung taong matagal nang ***** na may mas nagawang kabayanihan kesa sa yo.

“Kasi ayokong ibalik at i-post na naman ng mga di nakakaintindi sa iyo yung mga dati mong ginagawang pagdukot sa ……. o pagpapalamas …….pag nagso-show ka…

“Kasi baka mabalewala ang “kiss entry” nina Pangulong Duterte at ni Ninoy at sasabihin nilang, “Pu——-na, uwian na, may nanalo na.”

“Alam ko, hindi mo gugustuhing mangyari ito kasi alam ng lahat, nagbago ka na. At sana, sa pagbabago mo, wag mo pa ring kalilimutang isa kang BABAE.

“At kinatawan ng mga BABAE sa gobyerno.”

Payo naman ni Diaz sa mga followers ni Uson, walang problema sa kanya kung punahin siya nito dahil para ito sa mga ina at kapatid nilang babae.

Basahin ang buong post na ito ni Diaz: