Mocha Uson kay Kris Aquino: ‘This is not about you Kris Aquino!’




Image capture from Kris Aquino/Mocha Uson Instagram account

“This is not about you Kris Aquino!”

Ito ang tugon ni Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson kay Kris Aquino makaraang ireklamo ni Kris si Mocha dahil sa pagdawit sa amang si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. upang depensahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na halik nito sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Ito po ang aking response sa live video ni Ms. Kris Aquino. This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay,” ani Uson sa kanyang  Facebook page.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Mocha Uson

Nauna nang inihayag ni Uson na: “With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth.”

Nitong Hunyo 6, humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte kay Kris dahil sa insidente. Kasunod nito ang paghingi rin ng dispensa ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Matatandaang ibinahagi ni Uson  ang isang lumang video footage na kuha kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. bago ito mapaslang noong 1983.

Mapanonood sa video ang paghalik ng dalawang babae kay Aquino bago ito bumaba ng eroplano.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Mocha Uson sa Facebook