Mister International 2014 Neil Perez dumanas ng memory loss makaraan ang motorcycle accident




Image capture from Neil Perez Instagram account

Pero okay naman. Nakakaalala na uli.”

Pansamantalang dumanas ng memory loss si Mister International 2014 Neil Perez o Mariano Perez Flormata Jr. sa totoong buhay makaraang maaksidente sa motorsiklo nitong Hunyo 1.

Image capture from Neil Perez Instagram account

Ayon sa ulat ng PEP, sinabi ni Jonas Gaffud, manager ni Neil at kilalang beauty-queen maker, na kasalukuyang nagpapagaling si Neil sa  Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Manila.

Matapos ang CT scan na ginawa kay Neil, inoobserbahan umano ang mukha nito makaraang makitaan ng basag na buto.

Wala namang  nakitang bali sa katawan, ngunit ayon kay Jonas, tila nagkaroon ng temporary na memory loss si Neil.

Kasi kanina, paulit-ulit siya at di nga maalala mga bagay… Pero nagsasalita na siya ngayon,” ani Jonas. “Nakakaalala na uli.”

Si Neil ay pumasok sa mundo ng modeling, male pageantry at pag-arte.

Magugunitang siya ang kinatawan ng Pilipinas sa Mister International 2014 sa Seoul, South Korea. Siya rin ang  kauna-unahang Pilipino na nag-uwi ng korona sa naturang male beauty pageant.

Kasalukuyang bomb explosives technician ng Aviation Security Group ng Philippine National Police ang police officer-turned-pageant winner.

Image capture from Neil Perez Instagram account

Dalangin po namin ang agarang paggaling ni Neil Perez!