Mga ‘anak’ nina Liza at Enrique sa Bagani, kinagiliwan




Mga imahe mula sa iWantTV at sa Instagram account ni Jaymee Caycoya

Kinagiliwan ng marami ang mga “anak” ng onscreen partners at rumored lovers na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa recent episode ng Bagani, ikinatuwa ng mga fan ng LizQuen ang paglabas ng mga munting Ganda (Soberano) at Lakas (Gil); mga batang bumuo sa pamilya ng nag-iibigang mga bida.

Sa social media, marami ang nag-post tungkol sa episode.

“Ang cute nman nila. Hopefully, in the future,” ani Instagram user @nengselma.

“Thank you for that scene! Sobrang bago for them! And it was so perfect, parang totoo! The kids’ acting was so beautiful. ‘Yung musical scoring, ‘yung cinematography! Everything! We didn’t expect this!” saad ni Twitter user @baaarigood.

“Lakas and Ganda, instant 5 anak,” post ni Facebook user N. Porsuelo.

Tinawag din itong “Galak Family”, na kinuha sa pangalang Ganda at Lakas.

Imahe mula sa video ng iWantTV

Gayunman, hindi rin magtatagal ang mga bata sa serye. Sila ay bahagi lamang ng isang napakagandang panaginip. Ginamit lamang ng isang karakter upang akitin sina Ganda at Lakas na manatili sa kinalalagyan nila.

“Bakit pa kayo aalis kung sa mundong ito, puwede kayong magmahalan nang walang hanggan?” sabi sa kanila ni Gaki.

Narito ang video ng episode sa iWanTV:

I-click ang imahe para mapanood ang video.
Source :

IWantTV