Magandang graduate, napagkamalang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @glennkrish at @piawurtzbach

Napagkamalang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang isang magandang graduate.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Glenn Krishnan noong Linggo na magtatapos na siya ng pag-aaral kinabukasan.

“I’m graduating tomorrow!” saad niya sa caption ng ini-upload niyang graduation picture. [Gagradweyt na ako bukas!]

I-click ang imahe para makita ang buong post.

Maraming Instagram users ang nag-iwan ng komento. Manghang-mangha ang mga ito sa pagkakahawig ng nag-post kay Pia; karamihan sa kanila ay nag-akala talaga na ang Pinay beauty queen ang magtatapos ng pag-aaral.

“I thought it’s @piawurtzbach,” ani @jianjanai.

“Congrats, Miss @glennkrish! Ate mo ba si miss @piawurtzbach ka mukha mo siya?” tanong ni @najah6780.

“Akala ko talaga si @piawurtzbach! Pero congrats po, ate!” wika ni @imnatashacarte.

“May dugong @piawurtzbach,” kumento ni @yhennhie.

Sino nga ba ang hindi mag-aakala? Kawangis ng kay Pia ang korte ng kanyang mukha at maging ang maganda ngunit “powerful” na mga mata ng ating Queen P ay kapareho rin ng sa kanya.

Imahe mula sa Instagram account ni @piawurtzbach

Bukod sa pagbabalik sa Pilipinas ng Miss Universe crown — na huling naiuwi ni Binibining Pilipinas 1973 Margarita Moran — ay kilala si Pia sa pagiging “hardworking” at “compassionate” na beauty queen; mga bagay na hindi lamang napansin ng mga Pilipino, kung hindi maging mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Source :

Instagram