‘Little Moana’: Batang naglalaro sa gilid ng daan, kinagiliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Rneil Chen

Kinagigiliwan ngayon ng napakaraming social media users ang larawan ng isang napaka-cute na batang naglalaro sa gilid ng daan.

Sa Facebook, ibinahagi ng Filipino photographer na si Rneil Chen ang litrato ng batang namataan niyang masayang naglalaro sa gilid ng daan noong siya ay nasa South Indonesia.

“‘Yong nakita ko siyang naglalaro sa gilid ng daan. Ang cute niya sobra,” saad ni Chen sa caption ng litrato.

Ikinatutuwa niya na nagkaroon siya ng “perfect timing” at litaw na litaw kung gaano kasaya ang bata na nagngangalang Penelope.

“Perfect timing, e, tawang-tawa siya that time,” wika niya.

Kinagiliwan ng marami ang larawan ni Penelope.

“So, so cuteeeeeeeee,” wika ng nag-share na si JS.

“Gusto kita iuwi!” sabi ni JI.

“Baby, akin ka na lang,” ani NF.

“Ommay! Why so cute?” kumento ni KG.

May mga nagsabi rin na pasado bilang “baby version” ng cartoon character na si Moana ang paslit.

Imahe mula sa Facebook page ng Moana

As of posting, nakakuha na ng mahigit 21,000 shares ang larawan. Napaka-cute naman talaga kasi niya.

Balikan. Narito ang trailer ng Moana:

Source :

Facebook, YouTube