Larawan ng mga batang lalaking naka-“nanay outfit”, umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen




Mga larawan mula sa Facebook account ni Alyssa Santos

Kinaaliwan sa social media ang larawan ng mga batang lalaking nakasuot ng duster o “nanay outfit” na ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Facebook account.

Sa panahon ng mga milenyal, hindi lamang mga gadgets ang mabilis na nauuso kundi maging ang iba’t ibang estilo ng pananamit.

Ibinahagi ng netizen na si Alyssa Santos ang larawan ng mga batang lalaking nakasuot ng nanay outfit na namataang naglalakad-lakad sa isang mall na hindi pinangalanan.

Ayon sa naturang netizen, nagpaalam naman siya sa mga taong nasa larawan kung ayos lang bang i-post sa social media ang kanilang larawan. Pumayag naman umano ang mga ito dahil sila raw ay “viners” at gusto talagang mapansin ng marami.

Di ko kinaya to. pagkatapos ng Hypebeast, NANAY OUTFIT NAMAN NGAYON. Anung ginagawa mu? Naka backless ka pa HAHAHAHAHAHA

Update: Tinanong ko dun sa mga nasa picture kung buburahin ko ba, hindi daw kailangan kasi viners sila. So yung mga may pinaglalaban diyan matulog na kayo puyat na kayo masyado.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Alyssa Santos

Umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen ang naturang larawan. May ilang mga nagsabing “cool” at bagong “trending” na style daw iyon ng pananamit, habang ang ilan naman ay binatikos ang mga naturang mga batang lalaki na “papansin” daw at jologs.

Sa kabila ng mga bash na natanggap ng mga batang lalaking nasa larawan, maayos naman daw ang kanilang  relasyon sa nag-post na netizen. Hindi sila nakaramdam ng galit, bagkus ay ikinatuwa pa nila. Sinabi naman ng netizen na tigilan na ang pambabatikos sa mga ito lalo’t wala naman silang ginagawang masama.

Kami nga nung nasa photo na mga nakaduster nagmamahalan tapos kayong hindi nila kaanu-ano react kayo ng react. Unang una ginusto nila magpasaya sa ganyang paraan kaya ready sila sa mga bashers nila. Pangalawa napasaya nila ako so kung pinost ko ito sa SARILI KONG FACEBOOK labas na kayo don.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Alyssa Santos