Join Forces: Nadine Lustre at iba pang mga celebrity, tampok sa June issue ng MEGA magazine




Mga larawan mula sa Instagram account ng MEGA magazine

Tapos na ang summer subalit hindi pa rin paaawat ang hotness sa June issue ng MEGA magazine kung saan pinagsama-sama ang mga pinakasikat na leading ladies ng showbiz, mula sa dalawang higanteng tv networks.

Ang mga celebrity na pinagsama-sama sa June issue na tinawag na “Join Forces” ay mga naging cover na ng MEGA mag sa mga nagdaang issues na talagang pinag-usapan at pumatok sa mga parukyano ng magazine.

Sila ay sina Erich Gonzalez, Julia Barretto, Maja Salvador, Elisse Joson, Gabbi Garcia, Janella Salvador, Kisses Delavin, Maymay Entrata at Nadine Lustre.

Of course, the piece-de-resistance is a coming together unlike any other. In an age where contemporaries are pitted against each other, we enact a joining of forces unseen in the much talked about #MakingMEGAreunion. Featuring the stars of the #MakingMEGA series, Erich Gonzalez, Julia Barretto, Maja Salvador, Elisse Joson, Gabbi Garcia, Janella Salvador, Kisses Delavin, Maymay Entrata and Nadine Lustre star in this glittering constellation all swathed in the ethereal and fantasy-worthy looks of the icon and genius himself, Furne One, who himself is celebrating a milestone in the land he calls home.

Larawan mula sa Instagram account ng MEGA magazine June issue

Makikita rin sa magazine ang pilosopiya sa buhay ng naturang mga celebrity na maaaring pamarisan ng iba. Sina Julia Barretto at Janella Salvador ay nagmula sa showbiz clan at si Gabbi Garcia naman ay unti-unting nakilala dahil sa requel (remake at sequel) ng  Encantadia.

Ayon kay Julia Barretto, na abala rin sa kanyang pelikulang I Love You Hater kasama sina Joshua Garcia at muling nagbabalik-pelikulang si Kris Aquino,  “You should simply work hard. You will never achieve anything from comparing your pace to that of others because timing is different for everyone.”

Sabi naman ni Janella Salvador na bumida sa pelikulang So Connected, “It made me realize that even if sometimes you feel down or under appreciated; you just have to focus on the things that were given to me instead of the things that aren’t there yet.”

Si Gabbi Garcia naman na nag-iisang Kapuso star ay nagwikang “I don’t want to stick to a certain angle in my career where people can say ‘Oh, eto lang siya.’ I want to work on things outside the box, outside my comfort zone.”

Mga larawan mula sa Instagram account ng MEGA magazine June issue

Sina Kisses Delavin, Maymay Entrata, at Ellise Joson naman ay produkto ng reality show na Pinoy Big Brother.

Ayon kay Kisses Delavin, “Sometimes when it’s quiet, you think about everything you have and that’s when you are more inspired to do more than what is asked of you. ”

Sinong mag-aakalang magiging print ad model si Maymay Entrata? Kahit sa sarili niya ay hindi niya inasahan ito. Sabi niya,“Mas maganda kung maabot mo ‘yung mga pangarap mo kasama mo ‘yung mga inspirasyon mo sa buhay. ”

Nakilala naman si Ellise sa kanyang mga ginawang tv ads bago siya pumasok sa PBB house. “When you think about your goals, doon mo maiisip na I can’t give up yet, I can’t quit because I still have to be able to reach this,” ani Elisse.

Larawan mula sa Instagram account ng MEGA magazine June issue

Sina Maja Salvador, Erich Gonzales, at Nadine Lustre naman ay matagal-tagal na rin sa industriya at nagkaroon na rin ng maraming pagkilala sa kanilang mga ipinakitang husay sa pag-arte.

Ayon kay Maja Salvador na tumatak ang pagganap sa kanyang teleseryeng Wildflower, “Hindi ko pa naman pine-pressure ang sarili ko, pero andun ako inaalam ko ano pa ang kaya kong I-offer.”

Si Erich Gonzales naman ay bumida sa marami na ring pelikula at teleserye. Sa kasalukuyan ay gumaganap siya bilang triplets sa teleseryeng The Blood Sisters. “I’m at this point in my life where I’m careful when it comes to choosing my projects. I’m not getting any younger so I feel it’s time for me to do more mature and adventurous roles.”

Tinanghal na sexiest woman ng FHM noon, isa si Nadine Lustre sa mga artistang may pinakamaraming tagahanga at tagasubaybay kasama ang real-life partner at katambal na si James Reid. “I’m still happy that I’m still doing it, and now, I get to inspire people as well. The dream hasn’t changed.”

Mga larawan mula sa Instagram account

Abangan ang paglabas ng June issue ng MEGA magazine!