Grab driver na ‘solid Kapuso’, nag-cancel ng trip ng Kapamilya reporter




Mga imahe mula sa Facebook account ni Jacque Manabat

Gaano ka-loyal ang isang viewer sa paborito niyang television network?

Dahil sa pagiging isang “solid Kapuso”, kinansela ng isang Grab driver ang trip ng Kapamilya reporter na si Jacque Manabat.

Sa Facebook, ibinahagi ni Manabat ang screenshots ng palitan nila ng mensahe ng isang tsuper ng Grab.

“Sa dami naman na maayos na Grab drivers, sa ‘solid Kapuso’ pa makakapag-book,” saad ng popular broadcast journalist sa caption ng screenshots na nilakipan pa niya ng mga tumatawang emoji.

“Koya, kebs (ayos lang) kung saan ka solid (viewer). Gusto ko lang makauwi,” aniya, sabay dagdag ng ABS-CBN hashtag na #JustLoveArawAraw.

Untitled

Sa screenshots, makikita na maayos na sinabi ni Manabat sa drayber kung nasaan siya. Gayunman, tila nagbago ang ihip ng hangin nang sabihin niya na sunduin siya sa loob ng ABS-CBN.

“Hello po! Nandito po ako sa loob ng ABS-CBN. Pasok po kayo sa gate sa Esguerra Ave. Paki-sabi lang po sa guard na nasa lobby lang po ako. Salamat!” sabi niya sa drayber.

Ang sagot lamang nito ay “?”

Tumugon naman ang mamamahayag at nilinaw na nasa ABS-CBN siya.

Hindi niya akalain na tatanggi na ang tsuper.

“Sorry, I can’t make it. SOLID KAPUSO po kasi ako,” wika nito.

Untitled

May mga nainis at mayroon din namang natawa sa ginawa ng Grab driver.

As of posting, nakakuha na ito ng mahigit 2,000 shares at halos 10,000 reactions.

Source :

Facebook